Showbiz

Ivana Alawi, gustong magkaroon ng boyfriend na isang Pinoy at ayaw nang isang AFAM!



Si Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi o mas nakilala natin bilang si Ivana Alawi ay 24 na taong gulang na aktres, modelo, at YouTuber. Siya ay half-Moroccan at half-Pinay.

Nakababatang kapatid niya ang aktres na si Mona Louise Rey. Sa ngayon ay mayroon nang higit sa 12.2 milyon ang kaniyang mga subscribers sa kaniyang YouTube channel.



Nagkaroon ng pagkakataon si Toni Gonzaga na makapanayam si Ivana kung saan nagkwento ito patungkol sa mga karanasan niya sa buhay. Ayon sa naging pagkukwento ni Ivana, pagiging “Yaya” o “Nanny” talaga ang gusto niya noong bata pa siya.

Matapos nito ay ginusto niya namang maging isang “dancer” ngunit nang mapagtanto niyang wala siyang talento sa pagsasayaw ay nagdesisyon naman siyang maging artista na lamang. Ngunit hindi pa rin siya pinalad.
Sa napakaraming “rejections” na kaniyang naranasan ay sumuko na rin siyang maging artista at sinubukan na rin ang “vlogging”. Ang kaniyang kapatid na si Mona ang nag-udyok sa kaniyang mag-vlog, kung noon ay hindi pumatok ang kaniyang make-up vlogs, laking gulat niya nang umabot ng ilang milyon ang views ng pagkain niya ng paborito niyang Bulalo.

Nasundan pa ito ng kaniyang vlog habang naglalaba na umabot na rin ng higit sa 26 milyong mga views. Hindi rin nakalimutang magpasalamat ni Ivana sa mga taong sumusuporta at nagmamahal sa kaniya.

Nang tanungin naman siya ni Toni kung ano nga ba ang tipo niya sa isang lalaki, nangingiting sumagot ito na gusto niyang maging nobyo ay Pilipino. Gusto niya na mayroon itong magandang ngiti, marunong magbigay at tumulong sa kapwa, at mapagmahal sa pamilya tulad niya.

nagkaroon din siya ng karanasan noon nang minsang maka-date niya ang isang artista na hindi na niya pinangalanan. Nagulat daw ang aktres ng sigaw sigawan nito ang restaurant staff sa kaniyang harapan at kahit pa umiiyak na ang taong ito ay hindi pa rin tumigil sa panghahamak ang lalaki.



Dahil dito ay talagang nag-walk out daw siya at mula noon ay hindi na siya kinibo pang muli o pinansin ng artistang ito.