Viral

Isang “humble” beauty queen ang Sinulog Queen na ito dahil sa hindi niya ikinahihiya ang pagtitinda ng “Siakoy” sa gitna ng pandemya para makatulong sa kaniyang pamilya!



Maraming mga kabataang Pilipino ang nangangarap na maging isang matagumpay na beauty queen at makapagbigay ng karangalan sa ating bansa sa mga international pageants. Ngunit bago pa man ito maganap, marami pa silang kailangang pagdaanan at maranasan sa buhay.

Ang pagiging isang ganap na beauty queen ay hindi lamang pagiging maganda, seksi, at matalino. Higit pa rito ay dapat manatili kang mapagpakumbaba sa kabila ng mga tagumpay at karangalang nakakamit.



Tulad na lamang halimbawa ng isang pasibol na beauty queen na ito. Siya ay walang iba kundi si Monika Afable. Siya ang maganda at mapagpakumbabang “beauty queen title holder” na minsan nang kinoronahan bilang “Sinulog Queen”.

Ngunit hindi naging hadlang ang kaniyang korona para unahin niya ang kaniyang pamilya. Sa gitna kasi ng pandemya ay hindi niya ikinahihiya ang paglalako niya ng “Siakoy” upang mayroon silang panggastos ng kaniyang pamilya.


Minsan na siyang naitampok sa social media page ng Pageanthology-101 Philippines kung saan makikita si Monika na mayroong hawak-hawak na isang lalagyan na puno ng paninda niyang “Siakoy”. Wala man siyang kaayos-ayos at make-up ng panahong iyon ay talagang mababanaag pa rin ang angkin niyang kagandahan.



Ayon sa ilang mga ulat ay nasa Grade 10 pa lamang siya noon nang tanghalin siyang Sinulog Festival Queen 2020, tinalo lang naman niya ang sampung mga contestants ng naturang patimpalak. Maliban sa korona na ito ay naiuwi rin niya ang “Miss Mega Sardines”, “Miss Tender Juicy”, “Miss McDo Queen” at “Miss Robinsons Galleria”. Maging ang “Best Runway” tatlong araw bago ang Sinulog Queen ay nasungkit niya rin.

Tunay nga na hindi lamang ganda, talino at katawan ang kailangan ng isang babae upang masabi natin na talagang isa siyang ganap na beauty queen. Mayroon kasing ibang mga beauty queen title holder na maganda, matalino at seksi ngunit hindi naman ganoon kaganda ang kanilang pag-uugali, tila balewala rin naman ang lahat ng ito lalo na kung hindi ka magiging ehemplo para sa maraming mga kabataan.