Marahil ay marami sa atin ang nakasaksi sa naging emosyonal na YouTube video noon ng vlogger na si Crisha Uy dahil sa naging paghihiwalay nila ng kaniyang longtime boyfriend na si Joem Bascon. Naging magkarelasyon sila sa loob ng walong taon kung kaya naman hindi niya matanggap na dahil lamang sa rason ng aktor na na-fall out of love ito ay nauwi sa hiwalayan ang kanilang dating matamis na pagtitinginan.

Sa huling pagkakataon ay nagsalita na siya dahil sa dami na rin ng mga netizens na nagtata-tag sa kaniya patungkol sa pagkakaroon ng anak ni Joem sa aktres na si Meryll Soriano. Ayon kay Crisha ay talagang nagalit siya nang mabasa ang balitang ito.



Nagalit siya dahil sa muling nagbalik sa kaniya ang sakit nang pakiramdam na tila ba pinagtaksilan na naman siyang muli ng kaniyang minamahal. Tila ba sugat na muling naging sariwa.

Dagdag pa niya ay iba pa rin daw talaga ang pakiramdam kung sasabihin lang sa kaniya o ikukuwento kumpara sa siya mismo talaga ang makakabasa. Nilinaw din niyang hindi na niya mahal ang dating nobyo, naka-move na diumano siya ngunit hindi lamang niya matanggap na noon pa pala ay talagang niloloko na siya ngunit pinilit pa rin niyang isalba ang kanilang relasyon dahil sa inaakala niyang nararapat pa itong ipaglaban.

Sa ngayon ay nakumpirma na daw niyang nagsinungaling talaga sa kaniya ang dating nobyo kahit pa noon ay nagbigay pa siya ng “benefit of the doubt” dito. Tila daw sampal sa kaniyang mukha ang nangyari dahil ang hinala niya pala noon ay kumpirmadong totoo nga.



“Finally, finally na confirm ko na nagsinungaling talaga siya noon. That I was lied to na, kasi I gave them a benefit of doubt eh! before pero yun nga sampal pala sa mukha nung nakita ko yun. Sampal sa mukha na tama pala ang hinala ko noon finally girl confirmed ganun, ganun yung feeling.” Pahayag ni Crisha.





Previous articleCelebrity mom na si Andi Eigenmann, isinilang na ang “baby boy” nila ng fiancé na si Philmar Alipayo!
Next articleChesca Garcia nagbigay ng ilang payo kung bakit nga ba kailangan pa rin ng mga mag-asawa na mag-date kahit matagal na silang kasal at nagsasama!