Showbiz

Dating EB Babes dancer na live-in partner na raw ngayon ni Jose Manalo, matapang na sinagot ang isang netizen!



Si Jose Ariel Pagtalonia Manalo o mas nakilala natin bilang si Jose Manalo ay 55 taong gulang na aktor, direktor, at komedyante. Marami ang humahanga sa kaniya dahil sa pambihirang husay niya sa paghohost sa “Eat Bulaga!” Maaalalang noong taong 2012 ay naghain ng “complaint” ang misis niyang si Annalyn dahil sa pang-aabuso diumano ni Jose sa kaniya, verbally at emotionally na nagsimula pa raw noong 2011.

Mariin namang itinanggi ni Jose Manalo ang mga akusasyong ito. Hindi rawa niya inabandona ang kaniyang pamilya at hindi niya rin pinabayaan ang kaniyang mga anak.



Taong 2013 ay nagsama din ng kaso ang isa sa kaniyang mga anak dahil sa hindi pagbibigay ni Jose ng suportang pinansyal, dahilan upang mag-drop out siya sa eskwela. Tinangka din nitong magpatiwakal dahil sa problema ng kanilang pamilya at sinisisi niya ang kaniyang ama dahil rito.

Pinabulaan din ni Jose ang mga ito at sinabing wala itong katotohanan. Marami sa mga tagahanga niya ang nalungkot dahil rito.

Nito lamang Disyembre ay umalingawngaw na naman ang diumano’y kinakasama ni Jose na isang EB Babe dancer noon. Walang iba kundi si Mergene Maranan.



Mayroon din silang ilang mga viral photos online na magkasama sa “opening” ng isang salon kasama pa ang ilang mga kilalang artista. Dahil dito ay mas tumindi ang espekulasyon ng publiko patungkol sa kanilang relasyon.

Walang kumpirmasyon mula sa panig ni Jose o ni Mergene patungkol sa isyung ito ngunit nang magkaroon sila ng sagutan ng isang netizen ay tila kinumpirma na nga niya ang tunay na estado nila ng sikat na komedyante. Nang tanungin siya ng isang netizen ng: “Ikaw pala yung bagong kinakasama ni Jose?”

Matapang namang sumagot ang dating EB Babe member at sinabing “So?” Binalikan pa siyang muli ng netizen at sinabing “Wag kang ganyan gurl, baka may madamay na iba! Igiling mo pa gurl! Sunod [si] Vic Sotto.”

Sinabi naman ni Mergen na hindi raw dapat nakikialam ng buhay ng may buhay ang netizen. Bastos daw ito at hindi na nahiya dagdag pa ni Mergene.



Marami namang mga netizens ang nagkomentong hindi dapat nagmatapang si Mergene dahil unang una ay mayroon siyang nasirang pamilya at mga anak na naulila nang magkaroon ito ng relasyon sa kanilang ama.