Dati siyang “flight attendant” ngunit isa siya sa mga nawalan ng trabaho ng magkaroon ng pandemya kung kaya naman sumugal na rin siya sa pagnenegosyo, LPG business ang kaniyang sinimulan!



Hindi madaling mawalan ng trabaho. Talaga namang panghihinaan ka ng loob at mawawalan ng pag-asa ngunit sa kabila nito ay magkakaroon ka pa rin ng maraming mga dahilan upang mas magsumikap at ipagpatuloy ang iyong buhay.

PHOTO/S: MAUREEN AVILA/FACEBOOK

Tulad na lamang ng 26 na taong gulang na si Maureen Avila. Dati siyang nagtatrabaho bilang isang “lead cabin crew member” sa isang lokal na Airline Company.

Hindi niya akalaing isa siya sa mga mawawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya kung kaya naman talagang dinibdib niya ang pagkakatanggal niya sa pangarap niyang trabaho. Tatlong taon na rin siya sa trabaho niyang ito ngunit dahil nga sa pandemya ay bigla na lamang siyang nawalan ng trabaho.



PHOTO/S: MAUREEN AVILA/FACEBOOK

Aminado siyang sa unang dalawang linggo ay hindi naging madali sa kaniya ang pangyayaring ito at humantong pa nga sa hindi siya makakain at hindi makabangon sa kaniyang higaan. Ngunit dahil na rin sa suporta at pagmamahal ng kaniyang pamilya ay mas nagkaroon siya ng dahilan upang bumangon muli.

Katuwang ang kaniyang nobyo ay nagsimula sila ng isang “LPG business”. Noong una ay talagang nagdadalawang-isip pa siya dahil sa ang ipon niyang pera ay para sa panggastos sana nilang mag-anak ngunit sinugal na rin niya ito para sa plano nilang negosyo.

At sa kabila ng kompetisyon sa ganitong klase ng negosyo ay masayang masaya sina Maureen at Carl dahil sa nagawa nilang masimulan ang negosyong ito sa gitna mismo ng pandemya na siya ring naging dahilan upang mawalan siya ng trabaho.

PHOTO/S: MAUREEN AVILA/FACEBOOK

Nagbigay din naman ng payo si Maureen para sa mga katulad niyang nawalan ng trabaho ngayong pandemya:
“Wag mo iisipin ang sasabihin ng ibang tao. Diskarte at sakripisyo ang bubuhay sa iyo at sa family mo.”

“Walang mabigat na pagdadaanan pag family mo ang kasama mo. Hugot ka lang ng lakas sa family mo at lagi ninyong papairalin ang pagmamahal at pagkakaintindihan.” Payo pa ni Maureen.



Source: Pep