Showbiz

Chesca Garcia nagbigay ng ilang payo kung bakit nga ba kailangan pa rin ng mga mag-asawa na mag-date kahit matagal na silang kasal at nagsasama!



Ang pagpasok sa isang relasyon, ang pag-aasawa at ang pagbuo ng pamilya ay ilan lamang sa mga bagay na ating pinapangarap. Ito ang ilan sa mga pinaplano natin sa ating buhay kapag tumuntong na tayo sa wastong edad at bago man lamang tayo tuluyang tumanda.

Photo credit: chekakramer instagram

Ang mag-asawang Doug at Chesca Kramer ang isa sa mga celebrity couple na talagang hinahangaan ng maraming mga netizens. Ang kanila kasing relasyon ay tila ba kasing tamis pa rin ng dati na animo’y magnobyo at magnobya pa rin silang dalawa.

Photo credit: chekakramer instagram

Napakasarap makita na ilang taon man ang lumipas sa isang relasyon ay mas lalo pa itong nagiging matatag at nagsisilbi ring inspirasyon sa iba pang mga taong nagnanais na makaranas ng ganitong klaseng biyaya sa buhay. Nagbahagi ang aktres at social media personality na si Chesca Garcia-Kramer ng ilang mga tips kung paano magiging matatag at masaya ang pagsasama ng mag-asawa.



Ayon sa kaniya ay talagang napakaimportante na mag-bonding at tuluyan pang makadiskubre ng maraming mga bagay ang mag-asawa tungkol sa isa’t-isa. Enero 22, 2021 nang magbahagi siya ng larawan nilang mag-asawa kung saan mapapansin na tila nagde-date ang dalawa.

Ang pag-spoil diumano sa bawat isa ay talagang makakatulong sa mag-asawa upang mas magiging masaya at matatag ang kanilang relasyon. Hindi rind aw basta karapatan lamang ang paglalaan ng oras at panahon para sa iyong asawa kundi ito ay isang obligasyon at debosyon sa iyong kabiyak.

Photo credit: chekakramer instagram

Halos 12 taong na ring mag-asawa sina Doug at Chesca at sa halos 17 taon nilang pagsasama ay talaga namang mas nagiging malalim pa ang kanilang pagsasamahan. Hindi lamang dahil sa mayroon na silan g tatlong mga anak kundi dahil sa matatag nilang pananampalataya sa Diyos na itinuturo din nila sa kanilang mga anak na sina Kendra, Scarlett, at Gavin.

Tiyak na sa paglaki nila ay magkakaroon din sila ng matatag na pundasyon dahil sa mayroon silang mapagmahal na mga magulang.