Showbiz

Celebrity mom na si Andi Eigenmann, isinilang na ang “baby boy” nila ng fiancé na si Philmar Alipayo!



Si Andrea Nicole Guck Eigenmann o mas nakilala natin bilang si Andi Eigenmann ay 30 taong gulang na aktres at modelo. Siya rin ay isa nang ganap na YouTube vlogger kung saan tampok niya ang simpleng pamumuhay nila sa probinsiya kasama ang kaniyang lumalaking pamilya.

Photo credit: Philmar and Andi instagram

Kasama niya sa isla ang kaniyang fiancé na si Philmar Alipayo, isang professional surfer, ang kaniyang panganay na anak sa dating nobyong si Jake Ejercito na si Adrianna Gabrielle “Ellie” Eigenmann, sina Keliana Alohi “Lilo” Eigenmann Alipayo at ang bagong silang niyang baby boy na kamakailan lamang ay ibinahagi niya ang pasilip na larawan sa kanilang post. Sa naging madamdaming post ni Philmar para sa kaniyang minamahal ay hindi niya naiwasang ipagmalaki ito dahil sa pagiging matatag at malakas niya mula nang ipagbuntis hanggang isilang ang kanilang ikalawang anak.

Labis ding nagpasalamat si Philmar dahil sa pagsilang ni Andi sa kanilang baby boy. Makikita sa post ng mahusay at award-winning na surfer ang larawan nilang tatlo kasama ang bago nilang baby at isa pang larawan nila kung saan makikitang hinalikan niya si Andi.



Tunay nga na napakasaya ng kanilang pagsasama kahit pa nga sa simpleng pamumuhay nila. Hinangaan din ng publiko ang kanilang pamilya dahil sa magagandang ugali na naituturo nito sa maraming mga kabataan at kahit pa sa mga magulang.

Photo credit: Philmar and Andi instagram

Maging ang kanilang mga anak kasi ay hindi rin nila sinanay sa magarbong pamumuhay, maging ang kanilang mga laruan ay simple lamang. Mas nais kasi nilang ma-enjoy ng kanilang mga anak ang kanilang napakagandang kapaligiran kaysa masanay sa mga gadgets at iba pang mga mamahaling laruan na kakasawaan din naman kalaunan.

Sa panibagong yugtong ito ng kanilang buhay ay talagang nasasabik na rin ang kanilang mga tagahanga dahil sa bagong miyembro ng kanilang maganda at masayang pamilya. Tiyak na may susubaybayan na naman ang mga netizens sa “Happy Islanders”.