Andrea Torres, mas gumanda at mas sumeksi pa nga ngayon pagkatapos ng naging break-up nila ng aktor na si Derek Ramsay!



Nalungkot ang maraming mga tagahanga at tagasuporta nina Andrea Torres at Derek Ramsay nang aminin nila sa publiko na naghiwalay na sila. Inakala ng marami na mauuwi na sa kasalan ang matamis na pagtitinginan ng dalawa na nabuo sa isa sa nga proyekto ng GMA na kanilang pinagbidahan. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay natuldukan na nga ang kanilang relasyon bago pa man matapos ang taong 2020.

Photo credit: Andrea Torres instagram

Ikinagulat din naman ng marami ang ibinahaging larawan ni Ruffa Gutierrez sa kaniyang social media account kung saan makikita ang malagkit na pagtitig ni Derek Ramsay kay Ellen Adarna. Sa naging mga posts ni Ruffa ay marami ang nagkaroon ng espekulasyon na tila mayroong namamagitan kina Ellen at Derek ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon mula sa magkabilang panig na pareho ring “single” sa ngayon.

Samantala, hindi din naman nagpahuli sa panggugulat si Andre Torres dahil talaga namang napaka-hot ng kaniyang latest social media post. Bago pa man matapos ang taong 2020 ay ibinandera ng Kapuso actress ng kaniyang napakagandang pangangatawan suot ang kaniyang putting “bralette” at jeans!



Photo credit: Andrea Torres instagram

Talaga namang kapansin-pansin ang “well-toned abs” niya na labis na hinangaan ng maraming mga netizens. Marami na namang mga Pilipino ang napa-sana all.

Dahil mula sa hindi magandang paghihiwalayan ay tila mas naging maganda at mas naging seksi pa ang aktres. Ilan pa nga sa mga netizens ang nagkomento ng mga katagang “Ako nga pala si Andrea, yung sinayang mo.”

Hindi mapigilan ng publiko na mas bumilib sa aktres dahil sa halip na magmukmok at malungkot dahil sa nangyari sa kaniya ay mas nagsumikap pa siyang mapabuti ang kaniyang sarili at mas nagkaroon pa siya ng inspirasyon sa kaniyang pagtatrabaho. Tunay nga na napakagandang halimbawa ni Andrea para sa maraming mga kababaihan.

Hindi naman kailangan maging miserable lalo na kung dumadaan tayo sa mahirap na pagsubok. Mas makakaya natin itong gawing kalamangan para sa atin upang mas mapabuti natin ang ating mga pananaw sa buhay.

Source: GMANetwork