Si Julia “Eula” Amorsolo Valdez ay 52 taong gulang na aktres na mas hinangaan ng publiko dahil sa naging pagganap niya noon bilang si “Amor Powers” sa orihinal na bersyon ng “Pangako Sa ’Yo”. Gumanap din siya bilang si Janice sa “film series” na “Bagets”.

Marami sa ating mga Pilipino ang humahanga sa mga artistang tulad ni Eula hindi lamang dahil sa pambihira nilang talento sa pag-aartista. Maliban kasi rito ay marami din sa kaniyang mga tagahanga ang interesadong malaman ang mga bagay tungkol sa kaniyang pamilya at kinalakihang buhay.



Lingid pala sa kaalaman ng marami, mayroong ipinamanang “ancestral house” ang mga “great grandparents” ni Eula para sa kaniya. Minsa na itong naitampok sa Facebook page na “Memories of Old Manila” at talaga namang hinangaan ito ng publiko.

Ang netizen na nagbahagi ng mga larawan ng ancestral house na ito ay walang iba kundi si Jay Patao. Ang naturang lumang bahay ay matatagpuan sa De los Reyes Street sa Gapan City, Nueva Ecija.

Ayon sa naging post ng netizen na si Jay, nilinaw daw ni Eula na isang malaking bahay ang “ancestral house” nilang ito at hindi kombinasyon ng marami pang mga bahay. Ang lugar kung saan makikitang nakaukit ang mga numerong 1928 ay ang kanilang kusina at “informal dining area”.



Konektado din ito sa kanilang “main dining room”. Ang kanila namang “first floor” o “silong” ay ang lugar kung saan inilalagay ang mga palay at mga antigong rebultong santo ng pamilya bago pa man i-renovate ang bahay.

Talaga namang hanggang sa ngayon ay nakakamangha pa ring makakita ng mga ganitong klase ng bahay na bagamat niluma na ng panahon ay marami pa rin talagang mga alaala at kasaysayang nakapaloob rito. Kung kaya naman tiyak na mas iniingatan pa ito ng pamilya ni Eula.

Luma mang maituturing ang mga gamit dito ay kapansin-pansin naman ang pagiging matibay at ang kalidad ng mga ito.

Source: Facebook







Previous articleMagandang dalaga na mahilig mag-TikTok, bistado na isa palang kabit dahil sa nakita ng misis ng lalaki sa kaniyang mga TikTok videos!
Next articleCelebrity mom na si Andi Eigenmann, isinilang na ang “baby boy” nila ng fiancé na si Philmar Alipayo!