Marami na tayong hinangaan na mga artista at sa paglipas ng mahabang panahon ay tila ba hindi nawawala ang paghanga natin sa kanila. Mayroong iilan sa kanila ang lumagay na sa tahimik at nagpokus na lamang sa kanilang mga negosyo o sa kanilang lumalaking pamilya.

Tulad na lamang ng aktres at mang-aawit na si Donna Cruz. Dekada ’90 nang makilala siya ng husto sa industriya ng show business at mula noon ay hindi na nawala pa sa ating puso at isipan ang pangalang Donna Cruz. Sa ngayon ay madalas pa rin siyang makita ng kaniyang mga tagahanga at tagasuporta sa social media, madalas ay nagbabahagi siya ng ilang mga larawan o video na talaga namang umaani ng maraming mga komento at rekasyon mula sa publiko.



Siya ay ikinasal kay Yong Larrazabal na isang “ophthalmologist” mula sa Cebu noong 1998. Nabiyayaan sila ng tatlong mga anak, sina Isabella Adriana o si “Belle”, Potenciano IV o si “Cian”, at si Iñigo Renato o si “Gio”.


Pumukaw sa atensyon ng publiko ang malaking pagkakahawig nina Donna at ng kaniyang panganay na anak na si Belle lalo na noong siya ay nagdadalaga pa lamang. Taong 1999 ang taon ng kaniyang kapanganakan.

Malaki ang paghanga ng kaniyang pamilya kay Belle dahil sa napakaresponsable nito at “hardworking”. Nakapagtapos siya kaagad ng kaniyang kolehiyo sa Cebu Doctors University.



Ayon rin sa ilang mga ulat, mas nais ni Belle na makasama ang kaniyang pamilya tuwing Holiday kaysa sa ano pa mang bagay. Sadyang napakabilis talaga ng panahon, matatandaan na noong taong 2017 ay nagdiwang si Belle ng kaniyang ika-18 taong kaarawan kung saan ang naging tema ng kaniyang party ay “Beauty and the Beast” kung saan siya ay si Belle.

Hindi maipagkakaila na namana nga talaga ni Belle ang angking kagandahan ng kaniyang ina. Makikita ang patunay sa kanilang mga larawan sa kanilang mga social media accounts.





Previous articleMalaking pagbabago sa buhay ni Herlene Budol o mas nakilala ng publiko bilang si Hipon Girl, ating alamin!
Next articleMga artista na sobrang sumikat noon ngunit ngayon ay tuluyan nang nawala sa industriya ng showbiz, kilalanin!