Aktres na si Sunshine Cruz, sinagot ang basher na nagsabing nagtaksil siya sa dati niyang asawang si Cesar Montano dahil sa pakikipagrelasyon niya kay Macky Mathay!



Sabi nga ng matatanda, ang pag-aasawa ay hindi isang mainit na kanin na kapag napaso ka ay agad mo ring mailuluwa at maitatapon na lamang basta basta. Ito ay isang mabigat at seryosong desisyon na dapat mo talagang pag-isipang mabuti, babae ka man o lalaki.

Hindi lamang kasi ito tungkol sa pagpapakasal ninyong dalawa kundi sa pagbuo ninyo ng sarili ninyong pamilya. Nakakalungkot lamang na mayroon talagang ilang pagsasama na hindi na maaari pang ipilit dahil sa tiyak na masasaktan lamang ang mag-asawa maging ang kanilang mga anak.



Ilan taon na rin ang nakakalipas nang maghiwalay sina Cesar Montano at Sunshine Cruz. Setyembre 2000 nang ikasal silang dalawa ngunit makalipas ang 13 taon ay naghiwalay na sila.

Taong 2018 naman nang napawalang-bisa ang kanilang kasal. Nagkaroon sila ng tatlong mga anak, sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca.

Nasa poder ni Sunshine ang kanilang mga anak. Mayroong ilang mga bali-balita na nagsasabing sinasaktan diumano ni Cesar ang aktres kung kaya naman hindi na nakayanan ni Sunshine at iniwanan na niya ang asawa.

Mayroon din namang ilang balita na nagsasabing nambababae kasi ang aktor kung kaya naman hindi ito nagawa pang pakisamahan ng aktres. Ilang taon na rin ang nakalilipas buhat ng mangyari ito, mayroon na rin silang kaniya-kaniya nilang mga kasama sa buhay.


Si Cesar ay mayroong partner ngayon na nakilala ng publiko bilang si Socorro “Kath” Angeles habang si Sunshine naman ay masayang-masaya sa kaniyang nobyo nang higit apat na taon na si Ismael ‘Macky’ Mathay. Kamakailan lamang ay hindi pinalampas ng aktres ang pambabastos sa kaniya at sa kaniyang nobyo ng isang netizen.



Tila kasi inakusahan siya nito na nagtaksil sa dati niyang asawang si Cesar nang nakipagrelasyon siya kay Macky. Sinabihan pa nitong kalbo ang kaniyang nobyo.

Ayon naman sa naging sagot ng aktres ay hindi niya ibinahagi ang larawan nila upang bastusin niya lamang. Tatlong taon na rin daw silang hiwalay ni Cesar nang magkakilala sila ng kaniyang nobyo.

Bagamat kalbo ay pinamukha naman niyang mas gwapo at mas edukado ang kaniyang nobyo kaysa sa kaniya. Pinaalalahanan din niya itong magbago na dahil sa bagong taon na ngayon.