Aktres na si Ara Mina “engaged” na sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Dave Almarinez!



Marami ang nagulat ngunit mas marami ang kinilig nang isapubliko nina Ara Mina at nobyo niyang si Dave Almarinez ang kanilang “engagement”. Si Dave ang 46 na taong gulang na undersecretary ng Philippine International Trading Corporation (PITC).

Photo credit: Philippine Star

Nasorpresa ang maraming mga netizens nang bigla na lamang ibahagi ng Nice Print Photography sa social media ang kanilang mga larawan. Makikitang nakaluhod sa harapan ng 41 taong gulang na aktres ang kaniyang nobyo habang hinihingi sa kaniya ang kaniyang matamis na oo.

Photo credit: Philippine Star

Makikita namang nasorpresa si Ara at hindi na napigilan pang maging emosyonal. Ayon sa ilang mga balita ay malaki ang posibilidad na sa San Pedro, Laguna naganap ang “proposal” na ito.



Sa naging panayam ng programang “Magandang Buhay” kay Ara noong Enero 11 ay kinumpirma nitong “exclusively dating” sila ng isang non-showbiz guy na diumano ay nasa “trading business”.
“Basta nasa stage kami na nagkakaintindihan kami. Pero kasi sa age namin ngayon, parang hindi na yung ligawan rules na ano. Basta pag sinabi ko ready na ako, committed na talaga ako, alam niya kasi yung priority ko…,” pahayag ng aktres.

Masayang masaya din daw si Ara dahil tulad niya ay “career-oriented” din ito. Nang tanungin naman siya kung si Dave na ba talaga ang “The One” para sa kaniya sinabi niyang pakiramdam niya talaga ay hinihintay lamang siya nitong maging handa at kapag nangyari ito ay batid niyang lalagay na sila sa tahimik.

Photo credit: Philippine Star

Nakilala na rin daw ni Dave ang anak ni Ara sa una niyang relasyon at ang ibang miyembro ng kaniyang pamilya. Bumuhos naman ang pagbati ng publiko sa “newly-engaged couple”. Hindi lamang ang mga tagasuporta ni Ara kundi maging ang mga kaibigan niyang artista ang bumati sa kaniya sa social media para sa nalalapit niyang kasal.

Photo credit: Philippine Star

Tunay nga na hindi man naging matagumpay ang unang relasyon ni Ara ay nabigyan siyang muli ng panibagong pagkakataon na magmahal at mahalin muli.

Source: Facebook