Ang pagkakaroon ng sarili nating bahay at lupa ay isa na yata sa pinakaaasam-asam na pangarap ng marami sa atin. Hindi madali makapagpundar nito lalo na kung hindi ka rin naman isinilang sa isang maginhawa o mayamang pamilya.


Kadalasan ay kinakailangang magtrabaho at mag-ipon ng husto upang makabili ng lupa at makapagpundar ng bahay. Hindi na rin nakapagtatakang marami sa atin ang gustong gusto ang pagdidisenyo ng kanilang tahanan lalo na kung sakali na talaga ang bahay na ito.


Sabi nga ng matatanda, ang bahay ay repleksyon ng personalidad ng may-ari nito. Mayroonh ilan na gusto ang simple at maliit lamang na bahay upang mas madali itong pagandahin at linisin habang ang iba naman ay mas gusto ang malawak na bahay at lupa para sa kanilang mga anak.

Kamakailan lamang, marami ang bumilib sa ginawang vlog ni Derek Ramsay kung saan tampok dito ang napakaganda at napakaelegante niyang tahanan. Kapansin-pansin na mahilig siya sa sining o sa art kung kaya naman marami siya nito sa loob ng kaniyang tahanan.


Mayroon siyang “e-bike” mula sa Vintage Electric na ayon kay Derek ay isang daan lamang ang ginawa sa buong mundo. Tila napakakomportable din ng kaniyang sofa na mula sa Roche Bobois.

Sa “dining area” naman ay mayroon siyang “remote control glass table” at mga photo frames ng kaniyang pamilya. Dito rin matatagpuan ang ilan sa mga tropeyo at karangalang natanggap niya sa pagiging mahusay niyang aktor.

Sa silid naman ni Derek matatagpuan ang kaniyang kama na mula sa koleksyon na idinisenyo ni Jean Paul Gaultier. Aakalain mo nga na nasa isa kang pribadong resort o hotel dahil sa napakagandang mga kagamitan at dekorasyon sa kaniyang tahanan.

Nakakarelaks din naman ang bahagi ng kaniyang bahay kung saan makikita ang malaking aquarium at matatanaw rin ang kaniyang swimming pool. Talaga namang pinag-isipan at pinagkagastusan mabuti ang bawat bagay na mayroon ang aktor sa loob ng kaniyang napakagandang tahanan.