Showbiz, Viral

Yassi Pressman, ibinahagi sa publiko ang ipinapagawa niyang 3-storey na bahay kasabay ng kaniyang Halloween costume!



Si Yasmin Isabel “Yassi” Yasto-Pressman o mas nakilala ng maraming mga Pilipino bilang si Yassi Pressman ay 25 taong gulang na Filipino-British model, actress, television personality, singer at dancer. Talaga namang isa siya sa may pinakamagandang mukha sa industriya ng show business.

Bukod sa kaniyang pamatay at pambihirang talento sa pagsayaw ay isa rin siyang mahusay na aktres. Sa katunayan ay isa siya sa mga pangunahing tauhan ng sikat na teleseryeng “FPJ’s: Ang Probinsiyano” bilang si Alyana katambal niya ang bidang karakter ng programa na si Cardo Dalisay na ginagampanan naman ng aktor at direktor na si Coco Martin.



Kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang napa-wow dahil sa nakakalula at buwis-buhay niyang post kung saan makikitang nakasuot siya ng Maleficent costume para sa pagdiriwang natin ng Halloween. Ang sikat na Hollywood actress na si Angelina Jolie ang gumanap noon sa kaniyang pelikula bilang si Maleficent.

Sa viral video ay makikitang nakatayo siya sa isang mataas na lugar. Ito pala ang kaniyang ipinapatayong bahay na mayroong tatlong palapag.

Walang takot at talaga namang todo postura ang aktres kahit pa nga napakataas at napakadelikado ng kaniyang kinatatayuan ng mga sandaling iyon. Umani ito ng napakaraming komento mula sa publiko na kinabahan at nangamba rin sa kaligtasan ng aktres.



Ngunit wala namang nangyaring masama sa kaniya. Nagbahagi pa nga siya ng isang video kung saan makikitang umaakyat siya sa isang napakataas na “scaffolding” nang walang kahit anong “protective equipment” o “gear” para sa kaniyang kaligtasan.

Talaga namang palaban si Yassi at walang kinatatakutan kung kaya naman mas humanga sa kaniya ang kaniyang mga tagahanga at tagasuporta. Marahil marami sa atin ang takot sa matataas na mga lugar at talaga namang hindi tayo mapipilit ng kahit sino at ng kahit ano pa mang sitwasyon upang akyatin ito.

Ngunit para kay Yassi, basta’t inisip niyang kaya niya at ibinigay niya ang kaniyang puso sa isang bagay ay tiyak niyang mapagtatagumpayan.