Kambal, maaaring “identical” o di kaya naman ay “fraternal” twins. Maraming mag-asawa ang nangangarap na magkaroon ng kambal na anak, hindi lamang dahil sa mas kombinyente ito para sa kanila bilang mga magulang na nagpapalaki ng kanilang mga anak kundi dahil sa mayroon na ring kalaro ang kanilang anak at hindi na nila iisipin pa kung paano nila susundan ang kanilang panganay na anak.

Marami din namang mga mag-asawa ang nagnanais ng kambal dahil sa nais nila ang magkaroon ng malaking pamilya. Marahil ay nagmula sila sa isang maliit lamang na pamilya kung kaya nais nilang magkaroon ng maraming mga anak dahil para sa kanila ay mas masaya ito kaysa sa kakaunti lamang ang mga anak.

Ang kambal ay maraming pagkakatulad halimbawa na lamang sa kanilang mga pisikal na anyo, aakalain mo talagang nakatingin ka sa salamin lalo na kung “identical twins” ang iyong tinitingnan. Ngunit tila mas marami pang pagkakatulad ang identical twin na ito na mula sa Perth, Western Australia. Tinagurian silang “World’s Most Identical Twins”.

Sila ay nakilala bilang sina Anna at Lucy DeCinque. Nakilala ng kambal ang mekaniko na si Ben Byrne at nagsimula silang mag-date taong 2012 bago pa man sila sumikat ng husto.

Isang taon ang lumipas at tumira na si Ben kasama ang kambal sa iisang bahay. Kasama rin nila ang ina nina Anna at Lucy sa kanilang tahanan.

Ayon sa pahayag ng kambal, ninais talaga nilang magkaroon ng iisang nobyo lamang at pumayag naman dito si Ben. Nauunawaan ni Ben na mayroon talagang kakaibang ugnayan ang kambal buhat ng sila ay ipinagbubuntis pa lamang ng kanilang ina kung kaya wala namang kaso sa kaniya kung pareho silang maging nobya nito.

Ibinunyag din ng kambal na nais ng kanilang ina na magkasabay din silang magbuntis at ang ama ng kanilang magiging mga supling ay ang nobyo nilang si Ben. Kung sakaling mangyari ito ay magiging “half-siblings” at “half-cousin” ang kanilang mga magiging anak.

“Our mom’s actually convincing us to give birth naturally. I don’t know how that’s going to work. We need to be pregnant at the same time. How is that going to work? It’s going to be another challenge. There’s a lot of pressure on Ben.” Dagdag pa ng kambal.