Si Wilfredo Buendia Revillame o mas nakilala ng publiko bilang si Willie Revillame ay 59 taong gulang na host, singer, songwriter, negosyante, aktor, at batikang komedyante. Isa siya sa pinakamayamang personalidad ngayon sa bansa.

Marami ang nagmamahal at humahanga sa kaniya dahil sa pagmamahal na ipinapakita niya sa maraming mga Pilipino. Palagi siyang nagbibigay ng tulong sa mga taong mahihirap at nangangailangan.



Malapit din sa kaniyang puso ang mga “special children” at “senior citizens”. Sa ngayon ay nagpapasaya at nagbibigay siya ng pag-asa sa maraming mga Pilipino sa pamamagitan ng programa niyang “Wowowin” na araw-araw mapapanuod sa GMA-7.

Kamakailan nga lamang ay ipinakilala pa niya sa publiko ang kaniyang kaisa-isang anak na lalaki. Ipinakilala niya sa publiko si Juamee sa “Tutok To Win” segment ng kaniyang programang “Wowowin.”

“At siyempre ang aking bunso, ang nag-iisa kong anak na lalake. Si Juamee Revillame,” Pahayag ni Kuya Wil.
Nagbiro pa ang batikang komedyante at sinabing tila K-Pop ang istilo ng buhok ng kaniyang anak at nais niya itong gayahin.

“Ba’t ba ganyan ang buhok niyan naka-ganon? K-pop? Penge ngang brush, K-pop nga ko. Uso ba ngayon ‘yan, K-pop?” Sambit pa niya.



Maaalalang si Liz Almoro ang dating asawa ni Willie pagkatapo mapawalang-bisa ng kasal nila ng dating aktres na si Princess Punzalan. Ayon sa ilang mga ulat, Marso 2005 nang magpakasal sina Willie at Liz sa isang civil rite sa Batangas.

Ngunit tatlong taon lamang ang nakalipas ay nagsampa na ng petisyon sa korte sa Liz at taong 2008 nga ng mapawalang-bisa na ang kanilang kasal. Bagamat nalulungkot si Willie ngayon dahil sa wala siyang kasintahan o asawang matatawag ay masaya pa rin siya dahil nagagawa niyang makatulong sa maraming mga Pilipino.

Aminado siyang naging pilyo siya noong kaniyang kabataan at marami din siyang nagawang hindi kanais-nais ngunit ang lahat ng mga ito ay pinagsisisihan na niya. Sa ngayon ay umaasa pa rin siya na balang-araw ay matatagpuan niya rin ang taong makakasama niya sa habangbuhay.