Si Ricardo Balarosa, Jr. o si Wacky Kiray ay 42 taong gulang na stand-up comedian, host at aktor. Mas nakilala niya ng publiko matapos niyang magwagi sa celebrity talent competition na “I Can Do That” bilang “The Greatest Entertainer” taong 2017. Talaga namang isa siya sa pinakahinahangaang komedyante sa bansa.

Dahil sa kaniyang pambihirang talento sa pag-awit at pagpapatawa ay hindi na nakapagtatakang magkaroon siya ng maraming mga proyekto. Naitampok na rin siya ilang mga pelikula tulad na lamang ng “Gandarrapiddo: The Revenger Squad.”



Sa ngayon ay co-host siya ng noontime show na “Lunch Out Loud” sa TV5. Sa pinakabago niyang vlog ay ipinasilip niyang muli sa publiko ang kaniyang bahay na mayroong tatlong palapag.

Ayon sa sikat na komedyante ay minsan nang naitampok sa mga programang “Magandang Buhay” at “Rated K” ang kaniyang tahanan. Ngunit mas nais pa niyang ibahagi ito sa kaniyang mga tagasuporta kung kaya naman ginawan niya ito ng vlog.

Noon ay walang kahit anong “painting” sa loob ng kaniyang tahanan kung kaya naman mayroong nagmagandang loob at nagbigay sa kaniya ng apat na mga “painting” na makikita sa unang palapag ng kaniyang bahay sa Quezon City. Narito din ang kaniyang mga “awards” tulad na lamang ng natanggap niyang tropeyo sa “I Can Do That”.

Mayroon din siyang ilang mga libro na ayon sa kaniya ay ang kaniyang kasintahan talaga ang nagbabasa. Madalas din niyang gamitin ang kaniyang “scooter E-bike” lalo na kung pupunta siya ng palengke.
Ipinakita din niya ang regalo sa kaniyang sofabed ng kaniyang kaibigang si Yani. Sa pantry naman nila makikita ang mga nakatabi nilang stock ng pagkain at iba pang mga gamit pangluto.



Ayon kay Kiray, mayroon silang restaurant noon ngunit nalugi ito kung kaya naman nakatabi na lamang ang mga gamit nila. Nasa pantry din nila ang ilang mga appliances na bigay sa kaniya ng Tulfo family sa tuwing naghohost siya ng kanilang taunang Christmas party.

Ang mga “terrace” ng kaniyang bahay ang paborito niyang lugar kung saan siya madalas magkape at magmuni-muni. Noon kasing bata siya ay wala silang “terrace” kung kaya naman pinangarap na niya talaga ito noon pa man.

“Certified plantitas mama” rin siya dahil sa sari-sari niyang halaman na makikita rin sa kaniyang tahanan. Mahilig din siyaang mag-karaoke at magsanay pang kumanta lalo na kung mayroon siyang mga proyektong parating.



Bilang pangwakas, ibinahagi din niya na mayroon siyang crucifix at rosaryo na galing pa mismo sa Vatican na nilagay niya mismo sa kaniyang hagdan. Bukas daw kasi ang kaniyang “third eye” kung kaya naman hindi na niya ito inialis pa dito.