Viral

Vlogger na si Mimiyuuuh nakamit na ang kaniyang pangarap na bahay dahil sa kaniyang pagsusumikap!



Halos lahat tayo ay nangangarap na makapagpundar ng sarili nating bahay at lupa. Marahil marami sa atin ngayon ang nangungupahan lamang o di kaya naman ay nakikipisan sa ating mga magulang.

Ngunit sa kabila ng mahirap nating sitwasyon ay sinisikap nating makaipon kahit papaano upang balang-araw ay makabili tayo ng kahit maliit na lote at makapagpatayo ng kahit simpleng bahay. Talaga nga namang napakasarap isipin na darating din ang panahon na matutupad ang pangarap natin na ito.



Tulad na lamang halimbawa ng sikat na vlogger na si Mimiyuuuh. Sa ngayon kasi ay nakamit na niya ang pangarap niyang bahay.

Ito ay mula sa kaniyang pagsusumikap at pagtitiyaga sa buhay. Maaalalang nitong Hunyo lamang nang ibahagi ni Mimiyuuuh ang paghahanap nila ng malilipatan na bahay.

Hands-on siya pagdating dito mula sa “loaning process” hanggang sa pinakamaliit na detalye. Ayon pa nga sa kaniya ay talagang “nakaka-adult” ang naging karanasan niya na ito.

“Nag-down na po kami and all and in process na ang loaning. Alam ninyo, napakarami palang kailangan ng mga loaning na iyan. Nakaka-adult po kapag kayo ang naglalakad. Ang parents ko, wala po silang kaalam-alam sa loaning na ganiyan kaya ako po talaga ang nag-asikaso ng lahat.” Pahayag ng vlogger.



Hindi maitago ni Mimiyuuuh ang kaniyang labis na kagalakan dahil sa biyayang ito na dumating sa kanilang buhay. Ito ang isa sa pinakamatagal na niyang pangarap para sa kaniyang pamilya, ang magkaroon sila ng sarili nilang tahanan.

Bagamat hindi ito masyadong malaki ay masayang masaya pa rin siya dahil sa maaliwalas at napakapayapa nitong kapaligiran. Magkakaroon din ng sariling taniman ang kaniyang ina na matagal na talagang gusto nito sa sarili mismo nilang bakuran.

Tunay nga na kahit sikat na siyang vlogger at endorser ay nananatili pa ring nakatapak ang kaniyang mga paa sa lupa. Isa sa mga katangian niyang hinahangaan sa kaniya ng publiko.



Hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring nadaragdagan ang kaniyang mga subscribers at followers sa social media.