Hindi madali ang mawalan ng isang tunay na kaibigan. Napakahirap at napakasakit malaman na wala nang buhay ang taong minsan na sumuporta, nagmahal at umunawa sa iyo.


Kung kaya naman marami ang nagsasabing, maiksi lamang ang buhay kung kaya naman dapat ay sulitin na natin ito at mamuhay tayo ng maligaya hanggang nais natin. Kamakailan lamang ay nagluksa ang maraming mga Pilipino dahil sa biglaang pagpanaw ng isang mahusay na vlogger na si Lloyd Cafe Cadena.


Hindi makapaniwala ang marami na sa murang edad ay babawian na ito kaagad ng buhay. Ayon sa ilang mga ulat ay bigla na lamang itong nadatnan na wala nang buhay sa ospital kung saan siya dinala.


Nagpositibo rin siya sa COVID-19 ayon sa lumabas na resulta ng pagsusuri sa kaniya. Sa ibinahaging “screenshots” ni Kimpoy ng naging huling pag-uusap nila ni Lloyd ay mapapansing tila nagpapahiwatig ito ng kaniyang pagpanaw.


Nais ni Lloyd maging isang dentista habang piloto naman si Kimpoy. Nangako pa ang huli na nais niyang maisakay sa eroplanong papaliparin niya ang kaniyang kaibigang si Lloyd.

Pagdedentista naman ang pangarap ni Lloyd. Dagdag pa niya, maiksi lang ang buhay kung kaya naman dapat ay gawin na natin ang lahat ng gusto natin.


Hanapin daw natin ang “purpose” o ang dahilan natin sa mundong ito. Kung sakaling buhay pa raw siya pagkatapos ng pandemyang ito ay tiyak na kukuha siya ng kursong nais niya noon pa man.


Talaga namang maraming mga netizens ang nagulat at kinilabutan sa pangyayaring ito. Tila ba ng mga oras na iyon ay batid na ni Lloyd ang nalalapit niyang paglisan.


Naging masyado mang biglaan ang pagkawala ni Lloyd at talagang nagdulot ng pagdadalamhati sa marami, nagpapasalamat pa rin ang kaniyang mga minamahal na hindi na siya nahirapan pa sa sakit at sa ano pa mang komplikasyon na maaari niyang maranasan.