Isa na marahil sa pinakapinapangarap nating lahat ay ang makapagpundar ng sarili natin bahay at lupa. Maraming mga Pilipino ang hanggang sa ngayon ay nagsusumikap pa ring makaipon upang mabili na ang pinakaaasam-asam nilang tahanan.

Hindi ito madali ngunit napakalaking tagumpay na nito kung maisasakatuparan ito hindi lamang para sa iyong personal na pangarap kundi para na rin sa magiging pamilya mo sa hinaharap. Batid din ng mga sikat na personalidad at artista ang kahalagahan ng pagpupundar ng mga negosyo, bahay at lupa, at iba pang mga ari-arian.



Dahil sa malaki rin naman ang kanilang kinikita sa bawat proyektong ginagawa nila, mas nagkakaroon sila ng pagkakataong makapagtabi ng malaking halaga ng pera para sa mga bagay na nais nilang ipundar. Tulad na lamang halimbawa ng komedyanteng si Vice Ganda na ibinahagi sa publiko kamakailan lamang ang napakaganda at napakalawak niyang bahay.


Ilan lamang ito sa mga bagong pundar niyang ari-arian sa ngayon at talaga namang bumilib ang maraming mga netizens ng makita nila ang loob nito. Bagamat hindi pa tapos ang kabuuan ng kaniyang bahay, ibinahagi ng “Unkaboggable Star” na masayang masaya siya sa kinalabasan ng disenyo nito.

Makikita sa viral video ni Vice ang kaniyang malawak na “clean” at “dirty kitchen”. Mayroon din siyang malaking entertainment area at magagarang muwebles para sa kaniyang dining area.



Mayroon din itong sariling elevator na ipinasadya niya upang hindi na gumamit ng hagdan ang kaniyang ina sa tuwing pupunta ito sa kaniyang bahay. Maaliwalas at kumpleto din sa kagamitan ang dalawang “guest room” dito. Napakalawak din ng kaniyang “walk-in closet” na ayon pa sa batikang komedyante ay pinamalaking parte ng kaniyang bahay.

Sa kaniyang “personal toilet” naman makikita ang mga mamahaling muwebles tulad na lamang ng kaniyang bathtub na Php800,000 pala ang halaga! Maraming mga netizens ang talagang nagulat sa napakamahal na bathtub ni Vice.