Showbiz, Viral

Vice Ganda, ibinahagi sa kaniyang vlog ang naging karanasan nila sa nagdaang bagyong Ulysses nang magbakasyon sila sa Balesin Island!



Ang Balesin Island ay isa sa pinakasikat na lugar sa probinsya ng Quezon. Maraming mga sikat na personalidad at artista ang nagbabakasyon dito dahil sa napakagandang serbisyo at nakakamanghang lugar na ito.

Ngunit hindi inaasahan ng batikang komedyante at host na si Vice Ganda na hindi pala pahinga at kasiyahan ang kanilang mararanasan sa lugar na ito kundi takot at pangamba dahil sa mapaminsilang bagyong Ulysses na kanila mismong nasaksihan. Nov. 10, 2020 nang makarating ang buong grupo sa Balesin Island sa Polillo, Quezon.




Talaga namang masayang masaya ang lahat lalo na si Vice dahil sa wakas ay nakapamasyal din sila at nakabiyahe makalipas ang ilang buwang pananatili sa loob ng kanilang mga tahanan dahil sa pandemya. Nagkulitan pa nga ang bawat isa nang makita ni Vice ang numero 25 na villa na kanilang tutuluyan dahil sa ito pala ang monthsarry nila ng kaniyang nobyong si Ion Perez.


Ngunit kinabukasan, Nov. 11, 2020 ayagad na ngang naglandfall ang bagyong Ulysses sa kanilang lugar kung kaya naman kinailangan na nilang lumikas. Dinala sila sa isang ligtas na lugar na maaari nilang tuluyan ngunit wala ditong kuryente at tubig kung kaya naman inilipat na naman sa isa pang lugar kahit na napakalakas ng hangin at mayroong panaka-nakang pag-ulan.

Nang matapos naman ang magdamag at ang delubyong kanilang naranasan ay agad na binisita ng komedyante ang kanilang naging villa sa naturang isla at talaga namang kitang kita ang pinsalang tinamo nito dahil sa napakalakas na bagyo. Buti na lamang at agad silang nailikas mula sa nakakatakot na kalamidad na ito.



Sa kabila ng naging karanasan ni Vice at ng kaniyang grupo ay malaki pa rin ang pasasalamat nila dahil sa hindi sila napahamak hindi tulad ng mga taong talagang lumubog at nawasak ang mga tahanan. Mayroon ding ilang tao nasawi at nawawala pa hanggang sa ngayon.