Si Jose Marie Borja Viceral o mas nakilala ng publiko bilang si Vice Ganda ay 44 taong gulang na komedyante, TV host, aktor, at singer. Isa siya sa pinakasikat na personalidad ngayon sa industriya ng show business.

Kahit pa nga naipasara na ang kaniyang home network ay naghahatid pa rin siya ng kasiyahan sa maraming mga Pilipino sa pamamagitan ng kaniyang mga social media platforms. Lingid nga sa kaalaman ng publiko ay nakaranas din pala ng depresyon ang komedyante sa kabila ng kaniyang mga ngiti at biro sa harapan ng kamera.



Buti na lamang at nagsilbing inspirasyon para sa kaniya ang kaniyang mga kaibigan na sina Ogie at Regine Velasquez-Alcasid. Mula noon ay mas naging positibo na siya sa buhay. Maaalalang Nobyembre noong 2009 nang ibahagi nila sa publiko na masaya sila ni Ion Perez sa kanilang relasyon. Talaga namang masayang masaya ang dalawa sa kanilang relasyon.

At sa ngayon nga ay dalawang taon na silang nag-iibigan. Kamakailan lamang ay kinakiligan ng publiko ang latest vlog ni Vice na pinamagatan niyang “Happy TWOgether!” Ipinagdiwang nila ang espesyal na okasyong ito sa Enchanted Kingdom. Mayroong inihandang sorpesa at regalo si Vice para sa kaniyang kasintahan.

“Dahil espesyal ang araw na ito, of course, we need to celebrate. Ito ay isang bagay na worth ng isang masayang selebrasyon,” Pahayag ni Vice.

Habang namamasyal sa sikat na pasyalang ito ay hindi din naman nakalimutan nang dalawa na mag-enjoy sa mga rides tulad ng carousel, bump car, at ang “Air Race”.



Nagkaroon naman ng sweet na dinner ang dalawa sa “Wheel of Fate” kung saan ibinahagi ni Vice ang kaniyang saloobin patungkol sa napakagandang pangyayari na ito sa kanilang pagdiriwang.

“First ko naka-experience ng ganito. Ang saya. Ito, yung mga ganitong eksena, napapanood lang sa pelikula tas nae-experience natin. Ang lakas maka-bagets.” Dagdag pa ni Vice.

Narito naman ang napaka-sweet na mensahe para sa kaniya ni Ion:
“Wala kang kailangan gawin para pasayahin mo ko, Ion. It’s enough that you decide to stay with me. It’s enough that you decide to be with me and it’s enough that you decide to love me,” Emosyonal na ipinahayag ni Ion para kay Vice.

Labis namang na-touch si Ion sa sorpresang kanta ni Vice para sa kaniya na siya mismo ang nagsulat. Dagdag pa ni Vice ay paulit-ulit niyang sasabihin at ipaparamdam na mahal niya ang nobyo dahil sa marahil ay isinilang siya sa mundo upang mahalin si Ion.