Showbiz, Viral

Tuesday Vargas, pinamangha ang publiko dahil sa kabog niyang birthday photoshoot!



Si Marizel Sarangelo-Placido o mas nakilala ng publiko bilang si Tuesday Vargas ay isang sikat na aktres, comedian, event organizer, host at band vocalist. Siya ay nagdiwang ng ika-40 na taon niyang kaarawan nito lamang lunes November 9, 2020.


Talagang humanga ang marami niyang followers online dahil sa napakaganda at nakakabighani niyang birthday photoshoot. Hindi mo aakalaing nasa 40s na ang sikat na celebrity dahil sa angking ganda, kaseksihan at karisma nito.



Ang sikat na Nice Print Photography mismo ang kumuha ng kaniyang mga larawan. Isa sa mga larawan niyang ito ay nakasuot siya ng kulay itim na damit, mayroong korona at tila nakaupo sa kaniyang trono.

Tunay ngang lumutang ang angkin niyang kagandahan sa kuha niyang ito. Mayroon din siyang larawan kung saan nakasuot siya ng isang metallic deep plunge dress na talagang nagpakita ng balingkinitan niyang pangangatawan.

Hindi rin naman nagpahuli si Tuesday sa kaniyang simple ngunit “rock” na pormahan. Mayroon din kasi siyang kuha na naka-mohawk style ang kaniyang buhok at kita rin ang tattoo sa kaniyang dibdib.



Ayon naman sa naging post niya sa kaniyang Instagram ay hindi matanda ang edad na 40 lalo na kung ikaw ay isang puno. Nagsisimula diumano ang buhay sa edad na 40 at siyempre gayundin ang pagbaluktot ng mga likuran, rayuma, paglabo ng paningin at ang walang humpay na pagkukwento ng isang istorya ng maraming beses sa iisang tao lamang.

Hindi rin naman nalimutan ng celebrant na pasalamatan ang kaniyang mga kaibigan at tagasuportang nakaalala ng kaniyang kaarawan. Tunay nga na si Tuesday ang isa sa mga hinahangaang personalidad sa telebisyon dahil sa pambihira niyang talento at sa kaniyang nakakabilib na personalidad.


Marahil para sa iilan ay matanda na ang edad na 40 dahil wala na ito sa kalendaryo ngunit para kay Tuesday ay nagsisimula pa lamang siya at walang dapat ikabahala ang sinuman dahil sa kitang-kita naman kung gaano siya kasaya at kakuntento sa kaniyang buhay.