Trina “Hopia” Legaspi, dating Goin’ Bulilit star engaged na sa kaniyang longtime boyfriend!



Napakagandang balita ang “engagement” o ang nalalapit na kasalan ng dalawang taong nagmamahalan lalo na kung ang mga ito ay talagang malapit sa ating mga puso. Kamakailan lamang ay hindi inaasahan ng marami na aalukin na ng kasal ni Ryan Jarina ang kaniyang nobyang si Trina “Hopia” Legaspi na dating sikat na aktres ng kiddie comedy gag show na “Goin’ Bulilit”.

Photo credits: Trina “Hopia” Legaspi Facebook

Ang 26 na taong gulang na si Hopia ay talaga namang hindi na “bulilit” sa ngayon. Siya ay isa nang ganap na dilag, napakagandang dilag kung kaya naman hindi na nakapagtatakang magkaroon siya ng matamis na buhay pag-ibig tulad ng nakararami sa atin.

Photo credits: Trina “Hopia” Legaspi Facebook

Nito lamang ika-28 nang Nobyembre ay marami ang nasorpresa nang ibahagi niya sa kaniyang social media account na siya ay pumayag na sa alok na kasal ng kaniyang “longtime boyfriend” na si Ryan Jarina. Makikita sa mga ibinahaging larawan ng dating child actress na talagang pinaghandaan ng kaniyang nobyo ang araw na ito.



Photo credits: Trina “Hopia” Legaspi Facebook

Maraming mga lobo at mayroong malaking mga salitang nagbabaybay ng mga katagang “Will You Marry Me?” Hindi na nga niya napigilan pa ang kaniyang sarili at talagang napahagulgol siya sa labis na pagkagulat at kasiyahan sa naging sorpresa ng kaniyang minamahal.

Photo credits: Trina “Hopia” Legaspi Facebook

Para rin kay Hopia, hindi lamang ito isang kasal kundi ang katuparan ng kanilang pangarap na magbiyahe nang sila lamang dalawa. Sa ngayon ay madalas na mapapanuod siya sa kaniyang YouTube channel.

Kamakailan lamang ay nagkaroon siya ng isang video kasama ang kaniyang mga magulang. Pinamagatan niya itong “Mukbang with the Parents!” Mayroon siyang sinagot na ilang mga katanungan mula sa kaniyang mga tagahanga.

Photo credits: Trina “Hopia” Legaspi Facebook

Isa na rito ang katanungan kung payag nga ba ang kaniyang mga magulang na siya ay lumagay na sa tahimik. Naging hati naman ang sagot ng kaniyang mga magulang patungkol dito.

Para sa kaniyang ama, ayos na sa kaniyang magpakasal ang kaniyang anak na si Hopia dahil sa nasa wastong edad naman na ito at nais niya ring makasama ang kaniyang mga apo nang mas maaga dahil sa hindi na rin naman sila bumabata ng kaniyang misis.



Samantala, ang nais naman ng kaniyang ina ay sa 2022 na lamang nila idaos ang kanilang kasal upang kahit papaano ay mas ligtas na ang lahat mula sa pandemya.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *