Uncategorized

Top 1 sa Physician Licensure Examination na anak ng isang mananahi, hindi naging madali ang pinagdaanan makamit lamang ang kaniyang pangarap!



Marahil marami sa atin ang labis na nagpapahalaga sa kanilang edukasyon dahil sa ito lamang ang isa sa mga bagay na maaari nating panghawakan upang magkaroon tayo ng magandang kinabukasan. Kaya pala ganoon na lamang ang kagustuhan ng ating mga magulang na makapagtapos muna tayo ng pag-aaral bago ang kahit ano pa mang bagay o kaabalahan ang ating gawin sa buhay.

Image by Mu Sigma Phi Fraternity

Hindi ito para sa mga magulang kundi para mismo sa kanilang mga anak. Hindi na baling mapagod sila at magsakripisyo ng husto, mapagtapos lamang ang kanilang mga anak sa kolehiyo.

Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng publiko ang kwentong ito ng isang Physician Licensure Examination (PLE) Topnotcher na nakilala bilang si Jomel Garcia Lapides. Siya ang TOP 1 ng ginanap na PLE nito lamang Nobyembre 2020.



Ayon sa kaniya ay hindi naging madali ang kaniyang mga pinagdaanan upang makamit ang tagumpay niyang ito. Inamin niyang dumating siya sa punto ng kaniyang buhay kung saan halos sumuko na siya sa kaniyang pangarap na maging isang doktor.

Ang kaniya kasing ama ay nagtatrabaho lamang noon bilang isang mananahi at kalaunan ay isang “construction worker”, ang kaniyang ina ay isang “housewife” at dahil dito ay siya na mismo ang nagpasan ng responsibilidad para sa kanilang buong pamilya. Pinagsabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho at hindi na niya inalintana pa ang hirap at pagod habang ginagawa niya ito.

Habang nag-aaral siya ng medisina sa Unibersidad ng Pilipinas ay nagtatrabaho din siya bilang isang nars sa Philippine General Hospital.

Image by Mu Sigma Phi Fraternity

“Meron pong times na parang sobrang nakakapagod na po…Amazingly, after a night’s rest, nagkaroon lang ako ng one day off…okay na, kaya na ulit,” Pagbabahagi ni Jomel sa naging panayam sa kaniya ng CNN.

“Medyo kinakabahan ako during that time, kasi nga ako ‘yung kumikita sa family, tapos malit lang po ‘yung kinikita ni tatay so parang pag nawala po ‘yon, sobrang laking impact sa amin. Kahit na ‘yung isa ko pong sister nagtatrabaho kaso may sarili na rin po siyang pamilya,” Dagdag pa niya.



Sa ngayon ay talaga namang napakatamis na bunga ito ng kaniyang tagumpay, hindi lamang siya naging isang ganap na doktor kundi Top 1 pa. Noong 2011 ay nanguna rin siya sa Nursing Board Examinations.