Throwback pictures nina Super Tekla at Michelle viral ngayon sa social media sa gitna ng kontrobersiyang kinahaharap nila sa ngayon!



Naging napakainit na usapin ngayon sa social media ang kontrobersiyang kinakaharap ng sikat na komedyante at host na si Super Tekla patungkol sa diumano ay hindi magandang pagtrato nito sa kaniyang live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag. Ikinagulat ng publiko ang mga rebelasyon binitiwang ng huli sa sikat na programa ni Raffy Tulfo.

Hindi makapaniwala ang publiko na magagawa ng komedyante ang mga paratang sa kaniya ng dati niyang kinakasama na diumano ay pinipilit niya itong may mangyari sa kanilang dalawa kahit pa nga masama ang kaniyang pakiramdam at kahit nasa harapan pa ng kaniyang mga kapatid at mga pamangkin.



Marami ang nagalit kay Super Tekla dahil dito ngunit lumipas ang ilang mga araw at unti-unting nalinawan ang mga tao patungkol sa totoong nangyari.

Nagsalita na sina Ogie Diaz at Donita Nose patungkol sa kontrobersiyang kinakaharap ni Tekla sa ngayon at pinabulaanan nilang walang katotohanan ang mga paratang ni Michelle sa kaniya. Sa katunayan pa nga ay nalaman na ng publiko na halos buong pamilya pala ni Michelle ay umaasa lamang sa komedyante.


Ito ang naging dahilan ng pagdududa ng marami patungkol sa tunay na intensiyon ni Michelle at ng kaniyang pamilya upang ilabas sa publiko ang ganito kaselang mga akusasyon. Kaugnay nito ay muling lumutang ang mga larawan ng live-in partner na tila masaya sa kanilang bakasyon at pagkain sa labas kasama ang ilang mga kaibigan ni Super Tekla sa showbiz gayundin naman ang mga kamag-anak ni Michelle.



Tila kabaligtaran ang mga larawang ito ng ilan pa sa mga paratang ng huli na hindi na asawa ang turing sa kaniya ni Super Tekla at ang isa pa niyang pahayag na ginugutom sila nito. Talaga namang hindi na maawat ang mga netizens na labis na nagagalit kay Michelle dahil sa tila nais pa nitong masira ang buhay at karera ni Super Tekla na minsan nang pumasan sa mga responsibilidad kasama na ang kaniyang pamilya at mga kamag-anak.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *