Kamakailan lamang ay naging mainit na usapin sa social media ang kontrobersiyang kinaharap ng sikat na komedyanteng si Tekla matapos siyang akusahan ng kaniyang live-in partner na si Michelle Bana-ag ng pang-aabuso sa kaniyang pagkababae at diumano ay ginugutom silang mag-anak. Inulan ng mga negatibong reaksyon mula sa publiko si Tekla ngunit makalipas lamang ang ilang araw ay mas maraming mga tao ang pumanig sa kaniya.

Ayon kasi sa mga viral video at mga larawan na kumakalat sa social media ay makikitang masaya naman si Michelle sa piling ng komedyante dahil nagkakaroon pa sila noon ng mga “date” nang sila lang dalawa at madalas din siyang kasama ni Tekla kung mayroon siyang mga proyekto kasama ang iba pang mga sikat na personalidad.



Hindi rin nakaligtas sa mapanuring mga mata ng publiko kung gaano kakalat at kadugyot ang condominium unit ni Tekla kung saan niya pinatitira ang kaniyang live-in partner kasama ang ilang mga batang pamangkin, kapatid at kinakasama ng kapatid nito.

Sa ngayon ay naisarado na ang reklamong inilapit ni Michelle sa programa ni Raffy Tulfo. Nagkaroon na sila ng kasunduan ni Tekla na para na lamang sa kanilang anak ang suportang ibibigay nito at hindi na nito susuportahan pa ang buo niyang pamilya.

Kamakailan lamang ay naitampok ni Donita Nose sa kanilang YouTube channel ang tunay na hitsura ng condo ni Tekla matapos itong pamahayan nina Michelle at ng kaniyang mga kaanak. Talaga namang nanlilimahid at napakadugyot ng hitsura ng lugar at talagang masasabi mong burara at walang pakialam ang mga taong nakatira dito kung madumi man o makalat ang lugar.



Maaalalang kasama ni Michelle ang kaniyang kapatid at kinakasama nitong lalaki sa condo ni Tekla kung kaya naman marami ang nagtataka kung bakit hindi nila nagawang magtulong-tulong upang mapanatiling maayos at malinis ang bahay samantalang buong araw naman silang naroroon. Buti na lamang at tinulungan ni Donita Nose ang kaniyang kaibigan na si Tekla sa paglilinis ng condo nito. Sa ngayon ay mas maaliwalas na at malinis ang kaniyang tirahan.

Tunay ngang napakasarap umuwi sa malinis na tahanan pagkatapos mong magtrabaho ng buong araw.