Hindi nakalampas sa mata ng publiko ang mga larawan na ibinahagi ng aktres na si Jean Garcia kung saan makikitang kasama niya ang kaniyang anak na lalaki na si Kotaru Shimizu. Talaga namang maraming mga netizens ang hindi napigilang mapahanga sa angking kagwapuhan ng anak ng beteranang aktres.


Subalit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin batid ng publiko ang tunay na katauhan ng ama ng kaniyang anak dahil sa mas nais ng aktres na gawin itong pribado.

Sa ika-16 na kaarawan ng kaniyang Unico Hijo ay nagbahagi ng larawan si Jean sa kaniyang Instagram account kung saan ipinagmalaki niya sa mundo kung gaano siya kaswerte at kakumpleto na mayroon siyang isang anak na tulad ni Kotaru.


Dagdag pa ng mahusay na aktres ang pagiging ina niya sa kaniyang anak ay nakakagandang biyaya para sa kaniya dahil sa nakikita niyang lumaking responsable at mabuting tao ang kaniyang anak. Minsan nang ibinahagi ni Jean sa publiko na ang ama ni Kotaru ay isang advertising executive sa Japan.


Nagkomento din naman ang aktres na hindi na mahalaga pa sa ngayon ang tunay na katauhan ng ama ni Kotaru at kung nasaan man siya sa ngayon. Bagamat hindi nakakatanggap ng pinansyal na suporta ang aktres sa pagpapalaki niya sa kanilang anak ay lubos pa rin siyang nagpapasalamat dahil kahit hindi man sila nagtagal ay biniyayaan naman sila ng isang napakagwapo at napakatalentadong anak.

Si Kotaru ay mahilig sa larong basketball. Isa sa kaniyang mga iniidolo ay si Kobe Pares. Bukod pa rito ay talaga namang hinahangaan siya ng marami dahil sa kaniyang magandang pananamit at taste sa fashion tulad ng iba pang mga kabataang katulad niya ng edad. Tunay nga na ang tanging kaligayahan lamang ng mga magulang ay makitang masaya at lumalaki ng maayos ang kanilang mga anak.


Bagamat kaniya-kaniya tayo ng mga pagsubok at paghihirap na pinagdaraanan sa buhay ay hindi maipagkakailang tunay at wagas ang pag-ibig ng mga magulang para sa kanilang mga anak sa habang panahon.