Ang 43 taong gulang na aktres at singer na si Sunshine Cruz ay isa sa mga hinahangaang personalidad sa industriya ng show business sa ngayon. Sa kaniyang edad kasi sa ngayon ay aakalain mo talagang nasa 20’s o 30’s pa lamang siya dahil sa napakaganda niyang mukha at balingkinitang pangangatawan.

Madalas nga ay mapagkakamalan mo lamang siyang ate ng kaniyang mga anak na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca sa dati niyang asawang si Cesar Montano. Taong 2000 ng ikasal sila ngunit 2018 ay napawalang-bisa na ang kanilang pagiging mag-asawa.

Hindi man naging maganda ang kaniyang mga naging karanasan sa buhay ay masayang-masaya pa rin siya dahil sa kasama niya ngayon ang kaniyang mga anak. Kamakailan lamang ay nagbahagi si Sunshine ng ilang mga larawan ng kaniyang kabataan at talaga namang kapansin-pansin ang pagkakamukha nila ng kaniyang mga anak.

Nasa lahi talaga nila ang pagiging maganda. Tulad ng kaniyang ina ay sinubukan rin ni Angelina na pasukin ang show business kung saan agad naman siyang minahal at hinangaan ng publiko.


Agosto 21, 2020 nang ibahagi ni Sunshine ang ilan sa mga larawan niyang ito sa kaniyang Instagram account. Hindi rin naman naawat ang kaniyang 2.4 million followers na magkomento sa mga posts na ito ng aktres.

Marami ang nagulat at nasorpresang si Sunshine pala ang bata sa larawan dahil kung titingnan mong mabuti ay talagang hindi maipagkakailang kamukha ito ng kaniyang mga anak. Mayroong ilang mga larawan na kamukha niya si Angelina habang sa ilang mga larawan naman ay makikitang kamukha niya sina Samantha at Franchesca.

Mayroon din namang ilang mga netizens na napa-sana all na lang dahil sa hindi naman lahat tayo ay nabibiyaan ng angking kagandahan magmula sa mga magulang at sa kanilang mga anak. Tiyak na mayroon ding lugar para sa industriya ng show business ang dalawa pa sa mga anak ni Sunshine lalo na at galing din sila sa angkan ng mga Cruz na kilalang-kilala sa pambihirang talent nila sa pag-awit, pag-arte, at pagsasayaw.