Sa panahon natin ngayon ay napakadali na lamang gumawa ng mga kumplikadong “graph” o mga “reports” nang malinaw at malinis. Buti na lamang ay mayroon na tayong mga computer programs tulad na lamang ng MS Excel dahil kung hindi ay talaga namang napakahirap gumawa ng mga ito nang walang tulong ng modernong teknolohiya.


Naiisip mo na ba ang buhay natin sa ngayon kung sakaling wala tayong MS Excel, Photoshop at iba pang mga computer programs? Paano kaya ang ating gagawin at ano na kaya ang mangyayari sa atin?


Ang pamilya ni Kathleen Shane Pinlac Sison ay hindi sinasadyang natagpuan ang “briefcase” ng kanilang namayapang ama na talaga namang punong-puno ng mga nakakabilib na mga reports! Ang mga reports na ito ay halos maikukumpara mo na din sa mga sulat kamay na “Excel Sheets”.



“We found Papang’s briefcase and saw this!!!” Pahayag ni Kathleen sa kaniyang post.
“He was a principal in an elementary school back then. As someone who was born in the advent of technology, I am so amazed. Before Microsoft Excel, there’s this! Sipag ni Papang at ang galing talagaaaa!!!” Dagdag pa niya.


Maging ang mga kaibigan at kakilala ng kaniyang ama ay nagkomento sa kaniyang post at sinabing noon pa man ay nakakamangha na talaga ang mga gawa ng kaniyang ama na si Pacifico R. Sison Sr. Ayon sa mga naturang reports, ang namayapang principal ay mayroong detalyadong mga chart at graph tulad na lamang ng “percentage of registered scouts”, “performance indicators” tulad ng “spelling scores”, “reading levels” at achievement tests.


Labis na namangha ang publiko sa kanilang nakitang mga ulat. Mayroong ilan sa kanila na nagkomentong marahil ay napakaraming mga oras ang inaabot ng principal sa paggawa ng kahit isang graph lamang.


Sadyang napakahirap din na magkamali gamit ang panulat na kaniyang ginamit at mismong papel dahil hindi maganda ang kalalabasan kung sakaling nagkamali siya at pinilit niya itong burahin.







Previous articleKasal ng singer na si Jay-R sa kaniyang nobyang si Mica Javier sa Boracay, inabangan ng publiko!
Next articleNagulat ang publiko sa ibinahaging larawan ni Kylie Padilla ng kaniyang lolo Roy Padilla!