Showbiz

South Korean singer na si Sandara Park, hindi masukat ang kaniyang kaligayahan nang muli niyanga matikman ang mga pagkain at inuming Pinoy!



Si Sandara Park o mas kilala na ngayon ng maraming mga tao sa buong mundo bilang si Dara ay 36 taong gulang na South Korean singer, actress at television presenter. Noong siya ay estudyante pa lamang ay nanirahan sa Pilipinas ang kaniyang pamilya.

Halos 11 taon din sila nanatili sa bansa. Naging bahagi siya noon ng “Star Circle Quest” taong 2004 kung saan minahal siya ng maraming mga Pilipino dahil sa angkin niyang kasimplehan at pagiging totoo sa kaniyang sarili. Tatlong taon pa lamang mula nang pasukin niya ang showbiz dito sa Pilipinas ay napagdesisyunan na ng kaniyang pamilya na bumalik sa Korea.



Nang makabalik siya sa Koreo ay napabilang siya sa “YG Entertainment” kung saan siya nabigyan ng pagkakataon na maging miyembro ng “K-pop girl band” na “2NE1”. Nito lamang Oktubre ay bumisita siya sa isa sa mga sikat na Pinoy market sa South Korea kung saan siya nakabili ng mga paborito niyang pagkain at inuming tatak Pinoy.

Ilan sa mga una niyang binili ay ang “Mang Tomas”, tocino, maanghang na noodles, “Sinigang sa Sampaloc mix” at lata ng “corned beef”. Talaga namang walang mapagsidlan ang kaniyang kagalakan nang muli niyang matikman ang mga pagkain at inuming ito.


Nagbahagi din siya sa kaniyang social media account ng nakakatakam niyang hapunan. Sisig, kangkong, sinangag at red horse.



Talaga namang nakakatakam ang mga pagkaing ito. Hindi man nananalaytay sa kaniyang katawan ang dugo ng isang tunay na Pilipino ay nakakatuwa pa ring malaman na ganoon na lamang ang kaniyang pagmamahal sa ating bayan, sa mga taong naninirahan dito at sa lahat ng bagay na mayroong kinalaman sa Pilipinas.

Sinong mag-aakala na ang dating mahiyain at simpleng si Sandara ay magiging isa sa pinakasikat na South Korean superstar sa ngayon. Napakarami na din niyang na gawang mga proyekto kung saan naipakita niya ang kaniyang mga talento na mas nagpabilib at nagpamangha sa publiko.