Kung pag-uusapan ang isa sa pinakaprominenteng pamilya sa industriya ng show business, ang angkan ng mga Padilla ang kauna-unahang pumapasok sa ating mga isipan. Hindi lamang dahil sa mahuhusay silang mga aktres at aktor ngunit nakakabilib din ang kanilang talento sa pag-awit at maging sa pagsasayaw.


Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na hangaan sila ng maraming mga Pilipino hanggang sa ngayon. Sa mga panahong ito, mayroon nang apat na henerasyon ng mga Padilla ang nakikilala sa industriya.


Una na ang anim na magkakapatid na mga Padilla, sina Carlos Padilla, Sr., Roy Padilla, Pilar Padilla, Cristina Aragon, Amado Cortez, at si Ateng Osorio na talaga namang hinangaan ng maraming Pilipino noon. Ang namayapang Roy Padilla o kilala rin sa pangalang Casimiro Padilla, Sr. ay isa ring mahusay na aktor, direktor, at pulitiko.


Sa katunayan ay nagsilbi na ito bilang gobernador ng Camarines Norte mula 1975 hanggang 1988. Siya ang ama ng Padilla brothers, sina Royette, Rustom (BB Gandanghari), Rommel, at Robin Padilla.

Kamakailan lamang ay pumukaw sa atensyon ng publiko ang ibinahaging larawan ni Kylie Padilla sa kaniyang social media account kung saan makikitang kamukhang-kamukha ng kaniyang Lolo Roy ang isa sa mga anak nitong si Rustom na ngayon ay kilala na bilang si BB Gandanghari. Samantala, nasorpresa din naman ang maraming netizens dahil sa napakagandang larawan ni Lolita Eva CariƱo na ibinahagi ng anak nitong si BB Gandanghari.


Makikita sa naturang post ang napakagandang kabataan ng nanay ng Padilla brothers. Umani ito ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko.

Tunay nga na napakaganda ng kanilang ina noong kabataan pa nito. Ngunit talaga namang hanggang sa pag-edad nito ay makikita pa rin ang kaniyang kagandahan.

Hindi na nakapagtataka na isa sa mga hinahangaang angkan ang mga Padilla, dahil bukod sa maganda ang kanilang lahi ay talaga namang nakatitiyak ang marami na naging napakabuti ng pagmamalaki ng kanilang mga magulang sa kanila. Hindi lamang mga gwapo at matipino ang mga Padilla dahil sa maginoo at mahusay din silang rumespeto sa kanilang kapwa.