Sa panahon natin sa ngayon talaga namang napakahalaga ang magtipid ng husto. Hindi lamang pagtitipid sa pera o pagkain kundi maging sa pagtitipid sa marami pang mga bagay tulad na lamang ng tubig, at kuryente na palagi nating ginagamit sa araw-araw.

Dahil sa hanggang ngayon ay marami pa rin sa atin ang nakararanas ng paghihigpit patungkol sa “enhanced community quarantine” ay talaga namang napakahalaga ng bawat pamamaraang magagawa natin upang makapagtipid.

Tulad na lamang ng ilang mga artistang ito na sa kabila ng kanilang kasikatan, kayamanan at katanyagan ay talaga namang nagagawa pa ring maging mas matipid at mas praktikal lalo na sa panahong ito.

Narito ang ilan sa mga kilalang personalidad na mayroong sariling taniman sa kanila mismong mga bakuran. Kilalanin natin ang mga artistang umaani ng mga sariwang prutas at gulay mula mismo sa kanilang mga taniman.

MYLENE DIZON


Isa si Mylene Dizon sa mga sikat na personalidad na hinangaan ng publiko dahil sa kaniyang pagtitiyaga sa pag-aalaga sa kaniyang mga pananim. Ayon pa sa 43-anyos na celebrity mom ay mas mainam nang mayroon kang madudukot kung kinakailangan. Ilan nga sa mga sariwa niyang mga pananim ay labanos, sugar beets, carrots, at fennel.

TEAM KRAMER (Doug at Cheska Kramer)


Isa sa pinakasikat na pamilya ngayon sa industriya ng show business. Mayroon silang sarili nilang hardin sa kanilang napakaganda at napakagarang mansyon. Ang kaibahan nila sa ibang mga sikat na personalidad na mayroon ding taniman sa kanilang mga bakuran ay mas nais nilang magtanim sa mga paso at lumang mga lalagyan. Ilan sa kanilang mga pananim ay talong, bell pepper, luya, turmeric, onion leaks, malunggay, munggo, sigarilyas at marami pang iba.

NERI NAIG-MIRANDA


Si Neri Miranda ay hinangaan din naman ng maraming mga netizens dahil sa pagiging wais na misis nito. Kamakailan lamang ay ipinasilip niya sa publiko ang mga sariwa nilang pananim sa kanilang tahanan sa Alfonso, Cavite. Kasama niyang umani sa kanilang bakuran ang kaniyang Mommy Lita. Ilan sa mga sariwang ani nila ay kamatis, talong, patatas, kamote at marami pang iba.

MARJORIE BARRETTO


Kamakailan lamang ay ibinahagi sa social media ni Marjorie Barretto, ina ng aktres na si Julia Barretto ang ilang mga pananim nila tulad na lamang ng okra, kamias, papaya, durian at marami pang iba.

LIZ UY


Ang 38- anyos na celebrity stylist at fashion editor-at-large na si Liz Uy ay nagsimula ng kaniyang munting hardin noong February 2020. Kasama ang kaniyang anak na si Xavi ay mas nais niyang kumain ng sariwa at masustansiyang pagkain ang kaniyang buong pamilya.

ZSA ZSA PADILLA


Ang Kapamilya singer at aktres na si Zsa Zsa Padilla ay mayroon ding mga sariwang pananim sa kaniyang farm sa Lucban, Quezon na pinangalanan niyang Casa Esperanza na sunod sa tunay niyang pangalan. Ilan sa mga pananim niya rito ay talong, kale, french radish, Chinese kailan at marami pang iba.