Si Alan Joveness Quilantang o mas nakilala ng publiko sa kaniyang stage name na Allan K ay 61 taong gulang na aktor, mang-aawit at TV host. Isa rin siya sa mga hinahangaang co-hosts ng noontime variety show na “Eat Bulaga!”.


Ilan pa sa mga nakasanayang itawag sa kaniya ng marami ay “A.K.”, “Mam Allan”, “Miss A” at “Pambansang Ilong ng Pilipinas”. Dahil sa pambihira niyang pagsusumikap sa industriyang kaniyang kinabibilangan ay hindi na rin nakapagtatakang makapagpundar siya ng maraming mga ari-arian tulad na lamang ng isang napakagandang tahanan.


Ipinasilip niya sa kaniyang mga tagahanga ang kaniyang magarbong tahanan kamakailan lamang. Talaga namang “yayamanin” kung ituring ng publiko ang kaniyang tahanan na bunga ng kaniyang pagpapagal sa kaniyang trabaho.


Maging ang mga kagamitang makikita dito ay hindi rin naman talaga basta-basta. Moderno ang tema ng kaniyang tahanan.

Talaga namang kapansin-pansin din na iilan lamang ang kagamitan at dekorasyon dito ngunit talaga namang mamangha ka sa angking ganda nito. Ang mga kulay na white, silver, at white gold ang ilan lamang sa mga nagdagdag ng karakter at kulay sa napakagandang tahanan na ito ni Allan K.


Ayon sa naging panayam ni Iya Villania kay Allan noong nakapanayam niya ito sa “24 Oras” ay si Allan mismo ang nagdedisenyo ng kaniyang tahanan dahil sa pangarap talaga nito noon pa man na maging isang interior designer. Maraming mga netizens ang nagsasabing napakaaliwalas ng napili niyang kulay at tema ng kaniyang bahay.

Maging ang bawat ayos at bawat detalye ng kaniyang tahanan ay talaga namang nakakamangha. Napakagandang huwaran ni Allan para sa mga taong nangangarap na magkaroon ng sarili nilang tahanan mula sa kanilang sariling pagsusumikap at pagpapagal.


Tunay nga na hindi lahat ng nais mo sa buhay ay makakamtan mo ng ganun na lamang. Kinakailangan mo talagang magsumikap at magtiyaga upang maisakatuparan mo ang mga bagay na pinapangarap mo sa buhay.

Huwag nating kalilimutan na walang imposible sa taong mayroong determinasyon at matatag na pananampalataya.