Showbiz, Viral

Sila pa ang mga magagandang anak ng Hollywood actor na si Sylvester Stallone na talaga namang hinahangaan ng publiko!



Si Sylvester Enzio Stallone o mas nakilala ng publiko bilang si Sylvester Stallone ay 74 na taong gulang na American actor, director, screenwriter, at producer. Hindi batid ng marami niyang mga tagahanga na noong isinilang siya ng kaniyang ina ay nagkamali ng paggamit ang doktor ng “forceps” na naging dahilan upang maaksidente at labis na maapektuhan ang kaniyang “nerve” sa mukha.

Dito nanggaling ang tila “snarling look signature” ng Hollywood actor. Ngunit sa kabila ng pinagdaanan niyang ito ay nanatiling matatag at positibo sa buhay si Sylvester.



Mala-telenobela din ang kaniyang buhay pag-ibig dahil sa nagkaroon na siya ng dalawang mga asawa noon bago pa man niya makilala ang ikatlong misis niya sa ngayon. Ayon sa ilang mga ulat ay taong 1974 nang ikasal sila ni Sasha Czack, biniyayaan sila ng dalawang mga anak na lalaki.

Ngunit nagdiborsiyo din sila noong Pebrero 1985. Matapos nito ay ikinasal naman sila ng modelo at aktres na si Brigitte Nielsen noong Disyembre 1985. Nauwi din sa diborsyo ang kanilang pagsasama makalipas ang dalawang taon.


Taong 1997 naman nang makatagpong muli ng bago niyang pag-ibig si Sylvester sa katauhan ni Jennifer Flavin kung saan nagkaroon siya ng tatlong mga anak na babae. Sa ngayon ay humahakot sila ng atensyon mula sa publiko dahil sa pagpasok nila sa industriya ng pagmomodelo.



Sila ay sina Sophia, Sistine at Scarlet. Talaga namang marami ang humahanga sa tatlong anak na babae ni Sylvester dahil sa angking kagandahan, katalinuhan, at kaseksihan ng mga ito.

Ayon pa sa ilang mga ulat ay nakatanggap ng parangal ang kaniyang mga anak sa 74th Golden Globe Awards noong taong 2017 bilang Miss Golden Globe. Samantala, si Sophia naman ay naging isa rin sa mga hurado ng “Project Run Away”.

Kasama din ni Sophia ang kaniyang kapatid na si Sistine para sa Dolce & Gabbana Ad Campaign. Proud father naman ang Hollywood actor sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng kaniyang mga anak.