Showbiz

Sikat na vlogger na si Ivana Alawi, naghandog ng Php10,000 sa mga taong nakatira sa lansangan at 10 mga scholarships naman para sa maswerte niyang followers!



Sadyang naging napakabilis ng naging tagumpay ni Ivana Alawi sa pagba-vlog. Sa maikling panahon ay nagawa niyang mabihag ang puso ng maraming mga Pilipino.

Hindi lamang mga kalalakihan kundi maging mga kababaihan. Hindi lamang kasi siya seksi at maganda kundi napakasimple rin at walang karate-arte sa kaniyang katawan.

Photo credit: Ivana alawi youtube

Kapansin-pansin din ang mabuti niyang asal at ang natatangi niyang pagmamahal sa kaniyang mga magulang. Kamakailan lamang ayipinagdiwang ni Ivana ang pagkakaroon niya ng higit na sa 10 milyong subscribers sa kaniyang YouTube channel.



Photo credit: Ivana alawi youtube

Ngunit hindi tulad ng iba pang mga sikat na personalidad na magagarbo ang naging selebrasyon sa tagumpay na ito, minabuti na lamang ni Ivana na tumulong sa mga taong talagang nangangailangan kaysa naman gumastos para lamang sa mga hindi naman importanteng bagay. Sa katunayan ay una na siyang binati ng kaniyang pamilya na naghanda ng munting salo-salo para sa kanilang lahat.

Naghanda ang kaniyang pamilya ng paborito niyang chicken inasal, sisig at laing. Hindi rin naman nakaligtaan ng kaniyang kapatid na si Mona na ipaghanda siya ng hiniwang siling labuyo na paborito din niyang ulamin.

Photo credit: Ivana alawi youtube

Mahaba man ang kaniyang mga kuko sa kamay ay hindi ito alintana ni Ivana dahil sa sarap na sarap siya sa kaniyang kinakain kasama ang kaniyang mga mahal sa buhay. Namahagi siya ng mga pagkain, fruit basket at Php10,000 cash sa mga taong naninirahan lamang sa lansangan.

Talaga namang mababakas sa kanilang mga mata ang labis na pasasalamat dahil sa natanggap nilang biyaya lalo na at nalalapit na ang pagdiriwang natin ng Kapaskuhan. Sa gitna ng pandemya sa ating bansa ay marami pa rin talagang mga tao ang nakikipagsapalaran sa lansangan kahit pa nga napakaraming maaaring maging kapahamakan dito.



Buti na lamang ay mayroong mga katulad ni Ivana na mayroong mabuting kalooban at busilak na puso na handang tumulong sa kanila. Gayundin naman ay nagpamigay din siya ng sampung mga scholarship para sa maswerteng netizen na kanilang mapipili.