Viral

Sikat na flight attendant at TikToker, natanggal na sa kaniyang trabaho!



Kaniya-kaniya tayo ng mga pangarap at nais marating sa buhay. Marami sa atin ang nais maging isang doktor, nars, abogado, inhinyero, guro, pulis, sundalo, piloto, flight attendant at marami pang iba.

Hindi madali ang mga dapat nating pagdaanan upang makamit ang pangarap nating ito ngunit hindi ito kailan man naging hadlang upang panghinaan tayo ng loob. Mas nagsusumikap at nagpupursige pa nga tayo para lamang makamit ang tagumpay na ating pinakaaasam-asam.



Kung kaya naman hindi na nakapagtatakang marami ang humahanga at nagmamahal kay Jen Barangan na isang flight attendant ng Cebu Pacific. Nakilala siya sa mga cute at nakakatuwa niyang TikTok videos habang nakasuot ng kaniyang uniporme bilang isang flight attendant.

Marami ang humanga sa kaniya dahil sa pagbibigay niya ng inpirasyon sa maraming mga netizens lalo na sa mga nangangarap ding maging “flight attendant” tulad niya. Ngunit kamakailan lamang, Oktubre 16, 2020 nang ibahagi niya sa isa sa kaniyang mga vlog na tuluyan na nga siyang tinanggal sa kaniyang trabaho dahil sa kailangang magbawas ng kanilang kompanya ng mga tauhan dahil sa pandemya.

Noong una ay talagang nabigla siya ng husto sa natanggap na balita. Hindi siya makapaniwala na ang pangarap niyang trabaho noon na tatlong taon na niyang minamahal ay agad na lamang mawawala sa kaniya dahil sa pandemya.

Sa kabila ng mahirap at masakit na karanasan ay nananatili pa rin siyang positibo sa mga bagay na mangyayari pa sa kaniyang buhay. Hindi man naging maganda ang karanasan niyang ito ay binigyan pa rin niya ng inspirasyon ang maraming mga netizens na huwag bitawan ang kanilang mga pangarap.



Dahil sa maaaring tapos na ang kaniyang pagiging “flight attendant” ngunit maaaring bagong simula naman ito sa iba. Sa ngayon ay batid niyang may mas magandang plano ang Diyos para sa kaniya at para sa kaniyang kinabukasan lalo na at siya ng “breadwinner” ng kaniyang pamilya.

At isa pa, tiyak na hindi siya bibitawan ng kaniyang mga tagasuportang minsan nang nagmahal at humanga sa kaniya.