Viral

Sikat na aktres at vlogger na si Ivana Alawi inamin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay single pa din siya!



Si Ivana Alawi ang isa sa pinakamaganda at pinakasexy na personalidad ngayon sa industriya ng show business. Hindi lamang mga kalalakihan ang talagang nabibighani sa kaniyang mala-Diyosang kagandahan kundi maging ang ilang mga kababaihan ay bumibilib din sa pagiging totoo niya.

Marami din sa kaniyang mga tagahanga at tagasuporta ang nagsasabing mapagmahal siyang anak at kapatid. Hindi na nga lingid sa kaalaman ng publiko na kamakailan lamang ay niregaluhan niya ng isang lote ang kaniyang kapatid na lalaki at mamahaling cellphone naman ang kapatid niyang si Mona.



Mapagbigay, magalang at sweet din ito sa kaniyang nanay. Ang kaniyang pamilya ang kaniyang prayoridad ngunit hindi rin naman nawawala sa kaniyang isipan ang magkaroon ng kasintahan sa hinaharap.

Matagal na panahon na ring single ang 23 taong gulang na sexy actress ngunit kamakailan lamang ay ibunyag niya ang tunay na dahilan kung bakit hanggang ngayon ay matamlay pa rin ang kaniyang buhay pag-ibig. Ayon sa dalaga ay na-iintimidate raw ang mga tao sa kaniyang mukha. Dahil dito ay marami daw natatakot manligaw sa kaniya.

Single man siya ngayon ay sinusulit naman niya ang oras niya kasama ang kaniyang pamilya at binubuhos ang kaniyang panahon sa papasibol niyang karera. Sa katunayan ay mayroon siya ngayong papalapit na proyekto ang pagbibidahan niyang iWant TFC twin-bill horror film na may pamagat na “Sitsit”.



Ang inaabangang pelikula ay ipalalabas ngayong taon. Inamin din ni Ivana na mayroon siyang kakaibang nararamdaman sa lugar na pinagdarausan ng kanilang taping.

Hindi ito “paranormal” ngunit tila mabigat ang kaniyang pakiramdam sa presensya mismo ng lugar. Bagamat wala pa siyang nakikita na kahit ano, ayaw niya talagang lumibot sa lugar dahil sa kakaibang pakiramdam niya sa lugar mismong ito.

Si Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi ay 23 taong gulang na actress, model, YouTuber and singer. Nakilala siya ng publiko sa screen name niyang Ivana Alawi.

Matagal na siya sa pag-aartista ngunit nito lamang siya sumikat dahil sa kaniyang mga vlogs at mga nakakabighaning larawan.