Viral

Sheena Halili at mister niyang si Jeron Manzanero, labis ang kagalakan dahil sa pagdating ng kanilang panganay na anak!



Sa buhay ng isang tao, talaga namang napakaraming mga sakripisyo, paghihirap at pagsubok na talagang daranasin natin. Ngunit sa kabila nito ay talagang nakakahanap pa rin tayo ng paraan kung paano tayo magkakaroon ng inspirasyon sa buhay.

Kung paano tayo magpapakatatag at kung paano tayo mananatiling positibo sa buhay. Ano man ang mangyari, marami pa rin sa atin ang nagdarasal na magiging maayos din ang lahat. Sabi nga ng marami, matapos ang unos ay sisikat din ang araw.



Talaga namang sa kabila ng mga hindi magagandang pangyayaring nararanasan natin ngayon ay hindi pa rin tayo dapat mawalan ng pag-asa at tiwala sa Panginoon. Tulad na lamang halimbawa ng mag-asawang Sheena Halili at Atty. Jeron Manzanero.

Sa una ay talagang nakakatakot at hindi nila maiiwasang mangamba dahil sa nagbuntis ang aktres sa panahon pa ng pandemya. Kung kailan napakaraming mga tao ang nahahawa at nasasawi dahil dito.

Ngunit sa halip na matakot ay mas nagkaroon pa sila ng pag-asa sa gitna ng mahirap na pagsubok na ito. Talagang nagsumikap ang mag-asawang mapangalagaan ang kanilang panganay na anak na kalaunan ay pinangalanan nilang Baby Martina.



Maraming mga netizens din ang nakapansin na nanatiling malusog at maalaga sa kaniyang pangangatawan si Sheena kahit pa nga noong nagbubuntis pa lamang siya. At sa wakas ay nagsilang na siya ng isang napakagandang supling! “Normal delivery” nanganak ang aktres sa isang ospital sa Bonifacio Global City.

Si Baby Martina ay may bigat na 6.9 lbs. Hindi naman napigilan ng “first time parents” na magpost sa kanilang social media account.

“Hello anak! Hanggang ngayon, di pa rin ako makapaniwala na nahahawakan at nayayakap na kita. Maraming salamat Lord at healthy kaming dalawa,” Pahayag ni Sheena.


“I promise to hold your hand forever, Martina,” ayon naman kay Atty. Jeron na nagbahagi din ng isang larawan habang karga niya ang kanilang munting anghel.