Ang 21 taong gulang na aktres, singer, VJ, host at vlogger na si Sharlene San Pedro ay sinorpresa ang kaniyang mga tagahanga dahil sa napakasimpleng pamumuhay nilang mag-anak sa kanilang probinsiya sa Bulacan. Marami sa atin ang talagang nangangarap na magkaroon ng sarili nating bahay at lupa lalo na sa probinsiya.

Maliban kasi sa sariwang hangin, sariwang mga pagkain tulad ng prutas at gulay ay napakasarap din ng samahan dito ng mga magkakapit-bahay. Madalas kasi ay maraming mga mapagbigay at mabait na mga kapit-bahay sa probinsiya kaysa sa ibang lugar.


Lalo na kung mayroong pananim ang inyong mga kalapit bahay sa probinsiya tiyak na madali kang makakahingi sa kanila ng mga sariwang pananim nila at hindi na nila ito pababayaran pa sa iyo. Hindi na ito nakapagtataka lalo na sa mga naninirahan sa probinsiya dahil tulad na lamang nina Sharlene, talaga namang napakarami nilang pananim sa kanilang bakuran.

Ipinasilip nga niya kung paano sila nag-ani ng mga pananim na gulay ng kaniyang ina tulad na lamang ng okra at ampalaya. Mayroon din silang pananim na kalamansi na patok na patok sa maraming mga Pilipino lalo na sa paggawa ng sawsawan.

Mayroon ding malapit na ilog sa kanilang tahana kung saan malimit na nangingisda ang kaniyang ama. Nagkaroon din ang pamilya ng “boodle fight” kung saan nakahain ang mga prutas at gulay na kaniyang inani sa unang bahagi ng kaniyang vlog.

Tunay nga na nakakamanghang malaman na kahit isa nang sikat na artista sa ngayon si Sharlene ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang simple at komportableng pamumuhay nila sa probinsiya. Hindi rin naman natin maiaalis ang katotohanang maraming matatayog na mga gusali at mga oportunidad ng trabaho sa siyudad.

Ito marahil ang ilan sa mga dahilan kung bakit marami pa rin sa atin ang patuloy na nangangarap makapunta sa Maynila o sa iba pang siyudad ng bansa. Ngunit wala pa rin talagang makakapantay sa masarap at simpleng pamumuhay sa probinsiya.