Marami na tayong napapanuod na mga artista sa ngayon. Ilan sakanila ay talagang tumatak sa puso at isipan natin hindi lamang dahil sa angkin nilang kagandahan o kakisigan kundi dahil na rin sa kanilang personalidad at pambihirang talento.

At talaga namang inaabangan natin ang pagkakaroon nila ng sarili nilang pamilya at mga anak. Tulad na lamang halimbawa ng celebrity couple na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.



Kamakailan lamang ay pinagkaguluhan sa social media ang naging post ng aktres at modelong si Sarah Lahbati kung saan ibinahagi niya sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta ang pagdating ng bagong miyembro ng lumalaki nilang pamilya ng mister niyang si Richard Gutierrez.


Isang “baby girl” kasi ang nasa post ng blooming celebrity mommy kung kaya naman marami ang naging excited na malaman kung nagdadalang-tao nga siyang muli! Hindi naman inaasahan ng maraming mga netizens na bagong aso pala nila ang tinutukoy ni Sarah sa kaniyang post.

Tila ba na-prank ni Sarah ang marami nilang tagasuporta, mga kaibigan at maging ang kanilang mga kapamilya. Hindi nga rin nakaligtas ang kaniyang hipag na si Ruffa Gutierrez dahil sa inakala din talaga niyang buntis si Sarah.

Ang bagong baby girl pala sa kanilang pamilya ay isang female French bulldog. Talaga namang aliw na aliw sila sa bago nilang alaga lalo na ang kanilang mga anak na sina Zion at Kai.



Si Zion ay isinilang noong 2013 habang taong 2018 naman si Kai. Tunay nga na napakasaya ngayon ng lumalaking pamilya nina Sarah at Richard. Si Sarah Alzol Lahbati-Gutierrez o mas nakilala ng marami bilang si Sarah Lahbati ay 27 taong gulang na Filipino-Moroccan actress at isang reality show contestant na una nang napanuod noon bilang isa sa mga kalahok ng ikalimang season ng Starstruck.

Siya ang tinanghal na Ultimate Female Survivor makalipas ang anim na linggong kompetisyon.





Previous articleMiss Universe Japan 2020 2nd runner up mayroon palang dugong Pinoy na ikinagulat ng maraming mga Pilipino!
Next articleKC Concepcion at Ruffa Gutierrez personal na nagpaabot ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyo sa Isabela at Cagayan!