Sarah Asher Tua Geronimo-Guidicelli o mas nakilala ng publiko bilang si Sarah Geronimo ay 32 taong gulang na singer, aktres, television personality, at record producer. Marami ang talagang humahanga sa kaniya hindi lamang dahil sa angkin niyang kagandahan at sa pambihira niyang mga talento ngunit mayroon din kasi siyang mabuting kalooban.

Hindi na nakapagtatakang mahalin siya ng husto ng kaniyang longtime boyfriend at mister na ngayong si Matteo Guidicelli. Ilang buwan pa lamang ng magulantang ang publiko sa naging pribado nilang kasalan na dinaluhan lamang ng mga piling tao.



Nagkaroon pa nga ng usap-usapan patungkol sa pagwawala ng kaniyang ina na si Mommy Divine dahil sa hindi nito alam ang binalak nilang pagpapakasal. Kahit pa kasi nasa wastong gulang na ang sikat na singer ay ang kaniyang ina pa rin ang namamahala sa lahat ng kaniyang mga kinikita at maging sa ilang mga bagay na mayroong kinalaman sa kaniyang karera sa industriya.


Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng publiko na hindi sang-ayon ang mga magulang ng singer na siya ay maikasal kay Matteo ng mga panahong iyon. Lumipas na nga ang ilang mga buwan at talagang pinakaaabangan ng maraming mga netizens ang bawat post nilang mag-asawa sa kanilang mga social media accounts.

Marami ang umaasa na sana nga ay magkaayos na ang dalawang pamilya dahil sa kitang kita naman sa mga mata nina Matteo at Sarah ang wagas na pagmamahal nila sa isa’t-isa. Kamakailan lamang ay naging laman na naman ng usap-usapan ang bagong mag-asawa dahil sa diumano ay posibleng nagdadalang-tao na si Sarah.

“Lockdown baby” pa nga kung ilarawan ng ilang mga nasasabik na fans ang “future baby” nila. Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula sa kanilang mag-asawa ngunit marami din talaga ang nakapansin sa pinakabagong larawang ibinahagi ni Matteo sa social media na bahagyang nadagdagan ang timbang ng kaniyang misis at tila ba nahahalata na rin ang “baby bump” niya.



Kailan nga kaya nila aaminin na magiging mga magulang na sila?





Previous articleMaja Salvador, masayang ipinasilip sa publiko ang kaniyang bagong “customized van” na talaga namang napakaelegante at napakasosyal!
Next articleDalaga, umani ng maraming positibong komento mula sa publiko dahil hindi lamang siya maganda, sadyang madiskarte at responsableng anak pa!