Ang sarap umuwi sa bahay at lupa na alam mong iyo na at pagmamay-ari mo na. Hindi madali ang pagpupundar ng ganitong klaseng ari-arian dahil sa kakailanganin mo talaga ng malaking halaga ng salapi sa pagbili pa lamang ng lupa hanggang sa pagpapatayo ng bahay at pagbili ng mga kagamitan sa bahay.


Si Rufa Mae Quinto ay 42 taong gulang na aktres, komedyante, television host at singer. Siya ang panganay sa pitong magkakapatid.

“Second-degree cousin” niya ang beteranang aktres na si Jean Garcia na tulad niya ay galing din sa “That’s Entertainment”. Ikinasal siya sa financial analyst na si Trevor Magallanes noong 2016 sa Quezon City.


Isinilang ng komedyante ang panganay nilang anak noong Pebrero 2017 na pinangalanan nilang Athena. Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Rufa sa publiko ang progreso ng ipinapa-renovate nilang bahay sa Quezon City.


Masaya niyang ibinahagi sa publiko ang ilang mga larawan ng kanilang uuwian na bahay sa Pilipinas kapag maayos na ang lahat at maaari na silang bumalik ng bansa. Sa ngayon kasi ay nasa Amerika sila kasama ang kaniyang anak at mister.

Hindi sila maaaring bumalik sa Pilipinas dahil sa patuloy na paglaganap ng pandemya. Malaki rin ang kaniyang pasasalamat dahil sa biyayang ito sa kanila at dahil na rin sa paggabay ng Diyos sa kaniyang pamilya.


Bagamat maraming naging hadlang upang matapos ang kanilang bahay dahil na rin sa ECQ, MECQ, at GCQ na mahigpit na ipinapatupad ng pamahalaan ay natapos pa rin ang “renovation” ng kanilang tahanan. Dagdag pa niya ay talagang miss na miss na rin niya ang ating bansa ngunit kailangan pa rin talagang unahin ang kanilang kaligtasan.

Talaga namang marami ang natuwa sa post niyang ito dahil sa hindi pa rin niya nakakalimutang magpasalamat para sa mga bagay na tinatamasa niya at ng kaniyang pamilya. Ito ay dahil na rin sa kanilang pagsusumikap at pagtitiyaga sa buhay.