Si Rufa Mae Quinto-Magallanes ay isang sikat na aktres, komedyante, television host at occasional singer. Siya ay 41 taong gulang na at kasal na sa kaniyang financial analyst na mister na si Trevor Magallanes noong November 25, 2016 sa Quezon City.

Sila ay biniyayaan ng isang anak na babae noong February 18, 2017 na pinangalanan nilang Athena. Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Rufa ang mga bonding moments nilang mag-ina sa social media.

Bagamat independent mom siya sa ngayon dahil sa long distance relationship silang mag-asawa ay ginagawa pa rin ng aktres ang lahat ng kaniyang makakaya para sa kaniyang pamilya. Sa ngayon ay nagtatrabaho ang kaniyang mister na si Trevor sa San Francisco Police Academy at nagsasanay na ding maging pulis asa Estados Unidos kung kaya naman naiwan muna sa Pilipinas ang mag-inang Rufa at Athena.


Ayon sa aktres, hiniling niya talaga sa kaniyang mister na sa Pinas muna manatili ang kanilang anak upang kahit papaano ay masanay siya sa buhay na kinalakihan ng kaniyang ina bago siya magdesisyon kung saan niya talaga nais manirahan kapag nasa tamang edad na siya.

Kinabiliban naman ng maraming mga netizens ang pagiging hands-on mom ni Rufa kahit pa nga mahirap ang sitwasyon nilang mag-asawa sa ngayon dahil magkalayo sila ay hindi pa rin siya napapagod na maging “the best mom” para sa kanilang unica hija. Ilan sa mga bonding moments ng mag-ina ay ang pagsusuot ng mga ternong damit, pamamasyal at pamimili sa mga shopping malls, at pagbabakasyon.

Hindi man madali ang maging malayo sa kaniyang minamahal ay pinatunayan lamang ni Rufa na kung mayroon talaga kayong pangarap bilang isang mag-asawa ay hindi kayo magdadalawang-isip na magsakripisyo para mismo sa kinabukasan ng inyong pamilya. Hindi lamang mahusay na aktres si Rufa dahil isa rin siyang mapagmahal na asawa at ina sa kaniyang pinakamamahal na pamilya.