Pamilyar ba kayo sa personalidad na si RR Enriquez? Matatandaang si RR ay naunang lumabas sa noontime show sa ABS- CBN na Wowowee bilang isang dancer kung saan ang host ay si Willie Revillame.

Mabilis na nakilala si RR dahil na rin sa kanyang taglay na ganda, kaseksihan at galing sa pagsayaw.
Kasunod nito ang kabi-kabilang proyekto na ibinigay sa kanya, dahilan upang lalong maging matagumpay ang kanyang karera sa larangan ng showbiz.

Nabigyan din siya ng proyekto at naging host sa ibat- ibang programa, naging modelo at naging cover sa FHM Philippines.
Sa kabila ng tagumpay sa larangan ng showbiz ay iniwan niya ito at pinasok ang pagnenegosyo.

Taong 2012 matapos ang apat na buwan ng paghahanda ay nagbukas sila ng nail spa and skin care business, ito ay sa tulong na rin ng kanyang longtime boyfriend na si Jayjay Helterbrand,shooting guard at point guard sa PBA ng Team Barangay Ginebra.

Sa una ay nag-aalinlangan umano si Jayjay pero dahil na rin sa tiwala at pagmamahal kay RR ay pumayag ito. Ano pa at naitayo nga nila ang ReJuva Skin Care and Nail Spa na matatagpuan sa Quezon City.

Dahil na rin sa hilig sa pagpapaganda at kaalaman sa pagmomodelo ay naging matagumpay ang kanilang negosyo. Dagdag pa niya ay talagang hands-on umano siya at sinisigurong maayos ang paghire ng empleyado. Sumama rin siya sag pagtetraining ng empleyado upang maging aware aniya siya sa mga procedure.

Ang tagumpay na tinatamasa ni RR sa ngayon ay isa lamang sa mga maraming kwento ng tagumpay. Na nagpapatunay na ang dedikasyon at pagsisikap ay kinakailangan upang maabot natin ang ating mga pangarap.