Si Robert Marion Eusebio Domingo o mas nakilala ng publiko bilang si Robi Domingo ay 30 taong gulang na aktor, modelo, VJ, at host. Una na siyang minahal ng publiko nang maging bahagi siya ng isang reality show at tinanghal bilang “first runner-up” ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008.

Matapos nito ay nabigyan na siya ng ilang mga proyekto kung saan mas nahasa pa ang kaniyang talento at kakayanan. Lingid sa kaalaman ng marami na siya rin ay “second cousin” ni Pinoy Dream Academy Champion na si Yeng Constantino.



Kamakailan lamang ay ipinasilip niya sa publiko ang kanilang family house. Pagpasok pa lamang sa kanilang gate ay makikita na ang maraming mga halaman na pananim mismo ng kaniyang mga magulang.

Napakasarap makita ng maaliwalas nilang kapaligiran. Makikita din sa kanilang living area ang maliit na Koi Fish pond na ang ama niya mismo ang naglilinis at nangangalaga.



Mayroon din siyang eleganteng “baby grand piano” na regalo sa kaniya ni Dra. Vicki Belo. Hindi rin mawawala ang entertainment area sa kanilang tahanan kung saan madalas silang manuod at mag-bonding na mag-anak.


Ipinasilip din ni Robi ang ilan sa mga bahagi ng kanilang tahanan na tila ba hango sa PBB house. Mayroon din kasi silang storage room na lagakan ng mga pagkain, at ang kanilang prayer room bilang kanilang confession room.

Sa master’s bedroom naman nila namamalagi ang kanilang mahal na lola. Sa kwarto naman ni Robi ay kasama niya ang kaniyang kapatid na si Maro na siya ring namamala sa ilan niyang mga negosyo.

Marami din ang nasorpresa dahil sa sari-sari nilang halaman sa kanilang bakuran na alaga ng kaniyang ama. May makikita rin na green house dito na isa rin sa mga proyekto ng kaniyang ama.



Tunay nga na napakasarap mamuhay ng simple at komportable kasama ang iyong mga mahal sa buhay.