Richard Gomez, masayang ibinahagi sa publiko ang kaniyang simpleng buhay sa probinsiya kung saan umaani siya ng sariwang gulay mula sa kanilang bakuran!



“A way to a man’s heart is through his stomach.” Marahil marami na sa atin ang madalas na nakakarinig ng mga salitang ito. Totoo nga kaya ito?

Hindi na nakapagtatakang maraming mga kababaihan ang nagsasanay at nag-aaral na magluto para sa kanilang magiging pamilya sa hinaharap. Kaugnay nito ay marami din namang mga kalalakihan ang tila ba mas magaling at mas masarap pang magluto sa ilang mga kababaihan.



Tulad na lamang ang matinee idol at aktor na si Richard Gomez na kamakailan lamang ay ginulat ang kaniyang mga tagahanga dahil sa marunong din pala siyang magluto. Hindi lamang siya matipuno at gwapo kundi marunong din sa kusina, napakaswerte nga naman ng kaniyang misis na si Lucy Torres-Gomez at ng kaniyang unica hija na si Juliana Marie Beatriz T. Gomez.

Ipinasilip kamakailan lamang ni Ormoc City Mayor Richard Gomez ang napakalawak niyang hardin kung saan mayroon siyang sari-saring mga pananim at mga alagang hayop. Una na siyang namitas at umani ng mga sariwa niyang tanim na pechay.
Matapos nito ay agad niyang iniluto ang sariwang gulay sa kanilang napakagandang kusina. Pechay Guisado ang kaniyang iniluto. Hinugasan niyang mabuti ang mga sariwang pechay na kaniyang inani at naghiwa ng mga sangkap na kaniyang kakailanganin sa kaniyang pagluluto.



Maging ang kamatis na kaniyang isinahog sa kaniyang nilutong gisado ay mula rin sa kaniyang hardin kung kaya naman makasisigurado talaga siyang sariwa at ligtas ang mga pagkaing kinakain ng kaniyang pamilya. Maraming mga netizens ang talagang namangha sa aktor dahil sa hindi maliban sa pagiging isang mahusay na aktor at butihing alkalde ng kanilang bayan ay hindi pa rin niya nakakalimutang gumawa ng mga simpleng bagay tulad na lamang ng pag-aalaga ng mga hayop at halaman sa kaniyang bakuran at pagluluto para sa kaniyang pamilya.

Napakagandang halimbawa para sa maraming mga Pilipino na maaari naman palang magtanim ng magtanim ng mga halaman, gulay, at prutas kung gugustuhin natin.

Hindi lamang tayo makakatipid dahil mas makakasigurado tayong ligtas ang kinakain natin at ng ating mga mahal sa buhay.







Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *