Sa tuwing makakakita tayo ng mga taong walang maayos na damit at pangyapak, madungis, mayroong kakaibang amoy at tila ba matagal nang hindi naliligo nanaisin mo ba silang tulungan? Marami sa atin ang tiyak na iiwas na lamang ng tingin o di kaya naman ay sa ibang bahagi na lamang dadaan para lamang hindi na makasalubong pa ng mga ganitong tao.

Larawan mula kay Alexiefe Sulit Cataquiz

Ang pagtulong sa kanila ay madalas ding nagdudulot pa sa atin na mag-isip ng maraming beses kung sila nga ba ay talagang karapat-dapat na tulungan o hindi. Ngunit para sa ginang na ito, wala nang pagpapatumpik-tumpik pa at talaga namang agad niyang tinulungan ang nakakaawang kalagayan ng mag-amang ito.

Larawan mula kay Alexiefe Sulit Cataquiz

Umani ng maraming mga komento mula sa publiko ang isang ginang na ito dahil sa ginawa niyang pagtulong sa mag-amang ito na walang kapera-pera. Ayon sa ibinahaging kwento ng netizen na si Alexiefe Sulit Cataquiz, nakita niya ang ginang na ito na tinulungan ang mag-amang nasa labas lamang ng isang sikat na fast food chain at pinandidirihan ng maraming mga tao.



Larawan mula kay Alexiefe Sulit Cataquiz

Maraming mga tao ang talagang umiiwas sa kanila na animo’y mayroon silang nakakahawang karamdaman. Sa sitwasyong ito ng mag-ama ay talagang nahabag ang ginang kung kaya naman agad niya silang pinapasok sa kainan at binilhan ng makakain. Halatang gutom na gutom na talaga sila.

Larawan mula kay Alexiefe Sulit Cataquiz

Matapos bilhan ng pagkain at asikasuhin ay nag-abot pa ng kaunting pera ang ginang upang mayroon silang pamasahe pauwi sa kanilang tahanan. Labis naman ang naging pasasalamat ng ama gayundin ng anak sa ginawang pagtulong sa kanila ng ginang.

Larawan mula kay Alexiefe Sulit Cataquiz

Marami mang mga pagsubok ang nararanasan natin sa araw-araw, masarap pa rin talagang makagawa ng magagandang bagay at makatulong sa mga taong labis na nangangailangan. Talaga namang napakaraming mga netizens ang labis na humanga sa ginang na ito dahil sa ginawa niyang kabutihan sa mag-ama.

Hindi lahat ng tao ay makakagawa nito sa kanilang kapwa kung kaya naman talagang nagbigay ng inspirasyon ang ginang na ito.





Previous articleDalaga, umani ng maraming positibong komento mula sa publiko dahil hindi lamang siya maganda, sadyang madiskarte at responsableng anak pa!
Next articleMga naggagandahang Christmas tree ng mga sikat na Filipino celebrities ngayong panahon ng Kapaskuhan ating silipin at tiyak na mamamangha tayong lahat!