Kamakailan lamang ay kumalat sa social media ang larawan ng isang pulis na ito na lumapit at tumulong sa isang mag-ina na nakaupo at nagtitinda sa lansangan. Ang matulungin na pulis ay nakilala bilang si Bason Delos Reyes.

Ayon sa mga larawang kuha ng isang netizen ay mayroong mag-inang nagtitinda ng kendi sa labas ng isang convenience store sa Marikina City. Maya-maya pa ay nilapitan sila ng pulis na ito at inabutan sila ng pagkain at inumin.



Ang netizen na nagbahagi ng mga larawang ito sa social media ay nakilala bilang si Janet Samson-Morta. Ayon sa kaniya, sana raw lahat ng pulis ay ganito magtrato ng sibilyan lalo na sa panahon natin ngayon.

“Sana lahat ng pulis ganito. Good job sir Bason De Lo. Godbless sir! Ikaw ang tunay na lodi. Ipagpatuloy mo lang po ‘yung magandang ginagawa mo.” Pahayag ni Janet.

Hindi na rin napigilan pa ng publiko na magkomento at humanga sa pambihirang pagtulong na ito ng isang pulis sa mag-inang nangangailangan. Narito ang ilan sa kanilang mga naging reaksyon patungkol sa viral na mga larawan:


“May maitulong ka lang sa kapwa mo malaking bagay na yun di mahalaga ang pera ngayon mahalaga ang buhay ng kapwa tao mo. Maraming salamat po sa inyo.”
“Mas marami naman talagang mababait at mabubuting pulis, may mga barkada, tropa tayong mga PNP officers na wala kang masasabi sa pagiging dedicated nila sa trabaho. #PNP#Frontliner#Two hands salute.”




“Wow ganyan sana ang turaan ng ating ibang kapulisan. God bless you sir.”
“He is the kind of policeman to be much appreciated by the people specially the poor.”

Tunay nga na sa panahon natin ngayon, sa kabila ng napakaraming mabibigat na pagsubok sa buhay ay marami pa ring mga taong nagmamalasakit at tumutulong sa kanilang kapwa sa abot ng kanilang makakaya. Sana ay mas marami pang Pilipino ang gumaya sa kabutihang-loob ng nakakabilib na pulis na ito.





Previous articleMaaaring magmulta ang mga ilegal na nangongolekta ng mga “wild plants” ayon sa DENR!
Next articleIsang babaeng punong-puno ng tattoo sa katawan, pinalabas sa isang restaurant ngunit hindi nila batid na bigatin pala ang babaeng ito!