Kilala si Manny Paquiao bilang isang magaling at propesyonal na boksingero, pulitiko bilang senador. Hindi lang sa Pilipinas, pati na rin sa labas nito.

Kung kaya naman di maikakaila sa atin ang kabi-kabila niyang tagumpay, mula sa boxing hanggang sa kanyang mga naipundar,
at isa pang nag pamangha sa atin ay ng ibahagi sa atin kamakailan lamang ng kanyang butihing maybahay na si Jinkee ang kanilang napakaganda at eleganteng private beach resort sa Gensan.



Kamakailan lamang ay umuwi sa nasabing beach resort ang pamilya Paquiao, upang dito magpalipas ng pandemya at ienjoy ang bonding ng pamilya.

Sa vlog ni Jinkee ay masayang ibinahagi niya ang private beach, sa simula ay nasabi niya na ang video ay hindi para magyabang, ito ay dahil na rin sa request ng kanyang tagahanga.

Pitong taon na aniya ang nakalilipas simula ng itayo nila ang beach resort na ngayon ay bakasyunan ng pamilya.

Ipinakita niya ang masters bedroom kung saan siya nagbabasa ng paborito niyang aklat at bibliya. Ang villa, gazebo, swimming pool at magarbong hall. Ipinakita niya rin ang paligid ng resort na napapalamutian ng naggagandahang halaman at bulaklak na lalong nagpaganda sa resort.



Ang malawak na resort ay nagtataglay ng dalawang villa, isa para sa pamilya Paquiao at isa para sa pamilya Jamora, ito umano ay para may kani-kanilang rooms sila na pwede silang magstay. Naglagay siya ng mga disenyong picture frames ng larawan niya mga cover niya magazines para remembrance umano niya pagtanda niya.

ipinakita rin niya sa video ang maliit nilang bulwagan kung saan sila ngbibible study.
Nakarerelaks din ang pool area, na may blue and white concept na disenyo ng pool, dagdag pa ni Jinkee.

Isinunod niya ang gazebo kung saan nagdidinner or nagbebreakfast ang pamilya, place of worship. Sa huli ay makikita ang masayang tawanan at bonding ng pamilya kung saan sila ay naglalaro at nagpipicture taking.
Talaga naman nakarerelaks ng tanawin sa private resort ng pamilya idagdag pa ang sariwang hanging naggagaling sa dagat.